Chapter 5

4.5K 120 7
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam anong pumasok sa ulo ko because when Friday came ay sa salon agad ako dumiretso after class to have my hair rebonded. Hindi kasi ganun kaganda ang buhok ko at medyo makapal kaya madalas akong naka-ponytail. Siguro pressured na pressured ako kasi makikilala ko na ang parents ni Andrei kaya lahat na ata ng pagpapaganda from head to toe ay ginawa ko na. Kinakabahan na rin ako pero I tried to keep my poise.

Nang dumating ang sabado ay maaga akong nagising at agad akong nag-prepare for our meet up. Alas diyes pa naman ang napag-usapan naming oras pero alas singko pa lang ay gising na ako. Pagkagising ay dumiretso na ako sa banyo para sana maligo but I forgot na hindi pala pwede maligo bilin sa akin ng nag-rebond sa akin kahapon. Muntik ko nang sapakin ang sarili ko sa padalos-dalos na desisyon ko.

"Ang tanga ko rin eh," I murmured to myself as I sat on my bed. Paano na 'yan? Medyo hindi maganda ang amoy ng buhok ko dahil sa kung ano-anong inilagay kahapon para sa rebond. Baka ma-turn off pa si Andrei at hindi ako magustuhan ng parents niya.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa katangahan ko. Nakaka-frustrate.

I was about to just go back to sleep nang maisip kong baka pwede lagyan lang ng vitress at perfume. Di na siguro nila maaamoy? Tama! After all I still have a bright mind!

I did what I'm supposed to do and waited for 10 am to come. And when it finally came, hindi na ako nagdalawang-isip at agad na umalis na.

We exchanged our numbers last time kaya kilig na kilig na ako. Tinext niya sa akin ang address nila which is somehow useless kasi alam ko na naman pero syempre hindi ko sinabi at baka maghinala siya. Nag-taxi na ako since hindi ako mahahatid ni Daddy kasi maaga ang alis niya kanina for work. At para na rin hindi masira ang ayos ko.

When I arrived in front of their gate ay bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong natatae na nasusuka. Shet, magkaka-LBM pa ata ko nang wala sa oras.

I tried to shrug it off my mind and just inhaled-exhaled para kahit paano ay kumalma naman ang nababaliw kong sistema. I was even about to press the doorbell when their gate opened at muntik pang tumalon mula sa ribcage ko ang puso ko. Para akong nagnanakaw na nahuli ng may-ari ng bahay.

A woman in her I guess 30s went out of the gate. Kumunot pa ang kilay niya when she saw me. At bigla naman akong na-intimidate.

"Hello po," bati ko saka nag-bow pa. Baliw.

After bowing, I heard the woman chuckled. Agad akong napatingin sa kanya.

"You're so cute," she commented at nahiya naman ako. Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Is she his mom? Oh my gods!

"You must be Andrei's classmate," she said. "Come in," sabi niya as she opened the gate widely and let me in.

"Salamat po, Ma'am," I said and bowed again. Ano bang problema ko at bow ako nang bow? Hindi naman ako Korean. Shocks, nawawala na nga talaga ang utak ko.

She laughed again.

"Just call me Tita Aira," she said while smiling. Shocks, ang ganda niya! No wonder ang gwapo ni Andrei!

"Tita Aira," kinikilig na sambit ko. Shet, ito na talaga 'yon. Lume-level up na!

"Andrei's inside. Mukhang hinihintay ka rin ata niya," dagdag pa niya. Kinilig naman ako nang todo nang marinig na hinihintay ako ni Andrei. Shet na malagkit. "Pasok ka lang sa loob. Paalis kasi ako. Do well on your project!" She said bago umalis. Sinundan ko pa siya nang tingin habang papaalis. Ang sexy niya naman kahit apat na anak niya. Ganyan rin kaya ako ka-sexy kapag nagkaanak na ako? With that thought, I chuckled.

Nilingon ko ang pintuan nila at mas lalong kinilig sa thought na makikita ko si Andrei pagkapasok ko nang pinto na 'yan. But before I went inside ay tumingin muna ako sa paligid. Their house is so huge! Mas malaki pa ata sa amin. Dito kaya kami titira kapag ikinasal na kami ni Andrei? Shet, kinikilig ako.

Matapos ilibot ang mga mata ko ay naglakad na ako papasok ng bahay nila. Before I entered their door ay chineck ko muna ang sarili ko kung okay na ang ayos ko. And when I finally able to check myself and nakuntento na ay dahan-dahan na akong pumasok.

Indeed Andrei was there. Nakaharap sa akin ang likod niya kaya hindi niya ako nakita. He was sitting on their sofa and is doing something. Hindi niya napansin ang pagdating ko kaya nang umupo ako sa tabi niya ay halata pang nagulat siya pagkakita sa akin. Natawa naman ako kasi para siyang bata kung magulat.

"Sorry," natatawang sabi ko. Ang cute niya kasing magulat! But he was breathing heavily which means talagang nagulat ko siya kaya medyo na-guilty ako.

"Hala, sorry. Nagulat pa ata kita," I said. He then shook his head and smiled.

"Di mo naman sinabing andyan ka na," he replied. "Okay lang. I'm fine."

Shet ang sarap talagang pakinggan ng boses niya!

"Pinapasok kasi ako ng Mommy mo tapos may ginagawa ka pa kaya mukhang hindi mo napansin ang pagdating ko," I mumbled.

"Okay, I'm sorry," he murmured. Kahit hindi ka mag-sorry, keri lang. Shet.

"Okay lang 'no. Ano nga palang ginagawa mo?" I asked and was about to look at his laptop pero itinalikod niya ito sa akin para hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya. Na-curious tuloy ako.

"Nothing," sagot niya as he gave me another smile. Ngiti pa lang niya nakakabuntis na eh.

"I'll just get my stuff upstairs para masimulan na natin," sabi niya saka tumayo. "Manang, pwede po ba akong magpagawa ng snacks para sa bisita ko?" Medyo pasigaw na sabi niya na sinagot naman ng katulong ata nila. Nagsimula na siyang umakyat papuntang second floor at naiwan akong mag-isa sa sala.

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng interior ng bahay nila. Ang linis at ang grand tingnan. Every stuff screams wealth.

Habang iniikot-ikot ko ang mga mata ko sa paligid ay nag-landing ito sa laptop niya na nakapatong sa coffee table. Nakabukas pa rin 'yon so I stood up to look at what he's doing on his laptop, which I regret doing so because what I saw just broke my heart.

He was stalking Kat's facebook profile and was messaging Kat non-stop asking for chances. Biglang kumirot ang dibdib ko kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko para na rin hindi niya ako mahuli.

After I sat ay napatingin ako sa may stairs. He's already walking down.

Poor Andrei, he's still asking for another chance. And poor me for wishing for that chance too.

Just An Option (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon