Kabanata I

293K 7.9K 1.9K
                                    

"Aba, Zafina! Bilis-bilisan mo ang kilos mo! Huwag kang papagong-pagong!"

"Opo, auntie!"

Pinupusod ko ang buhok ko habang tumatakbo patungo sa isang table para kunin ang order nila. Kagat-kagat ko ang maliit na notebook ko dahil hindi ko iyon mahawakan dahil sa pagpupusod. Nang makalapit na ako sa table ay saktong tapos na ako sa pagpupusod ng buhok ko. Kinuha ko ang maliit kong notebook na kanina ay kagat-kagat ko pati ang bolpen ko na nakasabit sa damit ko.

"Isang dinuguan at kanin, iha," Ani ng isang matandang lalake na nakinita kong mambabalot base sa basket na nasa tabi niya na may nakasabit pang bote ng suka at asin.

Mabilis kong sinulat sa notebook ang order niya.

"Iyon lang po ba?" Tumango siya sa tanong ko. Nginitian ko siya bago ako umalis para magtungo sa kusina.

Pinutol ko ang pahina ng pinagsulatan ko ng order ng matanda tsaka ko iyon isinabit sa pila ng mga papel na order ng mga customers at siyaring niluluto ng mga kusinera.

Lumabas din ako ng kusina pagkatapos para tignan kung may maitutulong pa ako pero mukhang wala na naman na. Wala na kasing gaanong tao ngayon sa maliit na kainan ni auntie dahil malapit na itong mag-sara, alas nwebe na rin kasi ng gabi. Hindi ko ito matawag na karinderya dahil mas angat pa ito sa mga ganoon.

Nanatili akong nakatayo sa gilid kahit gusto kong umupo. Ayaw kong umupo dahil baka sabihin pa ni auntie na papetiks-petiks lang ako. Baka sabihan niya na naman akong walang utang na loob. Siya kasi ang kumupkop sa akin simula nang mamatay si papa noong labingdalawang gulang pa lang ako.

Aaminin kong hindi maganda ang pagtrato ng pamilya niya sa akin pero wala naman akong karapatang magreklamo. Pasalamat pa nga ako dahil pinapatira nila ako sa bahay nila kahit nagmistula akong alipin nila.

Ganito na siguro talaga ang kapalaran ko. Sa edad kong dise'syete ay marami ng nangyari sa buhay ko. Papasa na nga yata ang storya ng buhay ko sa MMK.

Tumulong pa ako ng isang oras. Hinintay kong magsara ang kainan bago ako dumiretso sa bahay ni auntie na nasa taas lang mismo nitong kainan. Nagtungo ako sa bodega na nagmistulang kwarto ko para magbihis dahil may trabaho pa ako sa isang bar. Ako ang kumakayod para sa sarili ko at kailangan ko iyong mas pagbutihin ngayong nalalalapit na ang pagtatapos ng bakasyon at para may pang-enroll ako sa susunod na pasukan.

Simple lang ang suot ko na isang jeans at shirt. Sa bar pa kasi talaga ako mismong magbibihis dahil may locker kami roon kung nasaan ang mga uniporme namin.

Umalis na ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. Wala naman silang pakialam sa akin. At nadala na ako, noong minsan kasing nagpaalam ako kay auntie bilang paggalang ay sininghalan niya lang ako.

Bago sumapit ang alas'dyis ay nasa bar na ako. Sakto lang dahil ang oras talaga ng pagtra-trabaho ko bilang waitress dito ay alas'dyis. Nagtungo na ako sa locker para magpalit.

Sinuot ko ang kulay puting polo shirt na hapit na hapit sa akin. Medyo manipis ito kaya bumabakat ang kulay pula kong bra. Isang hapit din at maiksing palda na kulay pula naman ang nagsilbi bilang pambaba ko. Hindi ko man gusto pero binuksan ko ang panguna at pangalawang butones ng suot kong pangitaas. Lumitaw tuloy ang kaunting parte ng cleavage ko.

Kapag kasi sexy ay iniipitan ng pera habang nagse-serve kami bilang tip. Ngayon ko lang ito gagawin dahil kulang pa ng dalawang libo ang pang-enroll ko. Isama pa ang mga kagamitan na kakailanganin ko. Dalawang araw na lang kasi ay enrollment na.

Huminga ako ng malalim. May class naman ang bar na ito kaya kampante akong hindi mababastos. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan dahil unang beses akong lalabas ng ganito ang suot, at sana ito na rin ang huli.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon