Kabanata XXI

174K 5.2K 1.8K
                                    

Nang sumunod na araw, ay nagising ako sa kwarto kung saan ako kinulong ni Tyler noon. Mag-isa na lamang ako at wala na rin ako sa silid na may pulang ilaw. Akala ko panaginip lamang ang lahat, ngunit pinatunayan ng pananakit ng aking buong katawan na totoo ang mga nangyari. Sinilip ko ang ilalim ng kumot at nakitang wala pa rin akong kahit anong saplot.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pananakit ng buo kong katawan, para akong sumabak sa digmaan dahil sa sakit, lalo na ang pagitan ng aking mga hita. Sinubukan kong gumalaw ngunit napadaing lamang ako sa naramdamang sakit, wala naman sigurong nabaling buto sa akin?

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinipilit ang sariling makaupo. Nang magawa ay hapong-hapo akong napasandal sa headboard, iyon lang ang ginawa ko pero tila nawalan na agad ako ng lakas. Bumuga ako ng hangin at hinayaan ang sariling manatili sa ganoong posisyon. Nang makabawi ako ng lakas ay tumayo na ako, halos iika-ika akong nagtungo sa banyo na walang kahit anong saplot.

Nang humarap ako sa salamin ay napagmasdan ko ang aking buong katawan. Maraming parte sa akin ang namumula dahil sa chikinini. Napakarami no'n sa aking leeg, pababa sa aking dibdib, meron din sa aking bandang tyan at hita. Napapailing na lamang ako habang hinahanda ang aking pagliliguan. Nais kong gamitin ang bathtub ngayon dahil gusto kong makapag-relax. Hindi naman siguro magagalit si Tyler.

Halos isang oras din akong nagbabad sa maligamgam na tubig bago ko napagdesisyunang magbanlaw na. Bumuti naman kahit papaano ang aking pakiramdam. Kumuha ako ng isang roba at iyon ang pinantakip sa katawan ko pansamantala. Lumabas na ako ng banyo at halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Tyler na nakatayo sa may pinto ng kwarto. Sinalubong ako ng malamig niyang mga mata.

"Brunch is ready," walang emosyong sabi nito.

"A-Ah, s-sig--" hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang sinara niya na ang pinto. Naiwan akong tulala dahil sa kanyang inakto.

G-Galit ba siya? Alam kong may karapatan siyang magalit dahil sa ginawa kong paglilinlang sa kanya. Pero bakit parang may hatid na kakaibang kirot sa puso ko ang ginawa niyang pambabalewala sa akin?

Lumunok ako para alisin ang tila nakaharang sa aking lalamunan. Matamlay akong nagbihis bago bumaba. Akala ko tuluyan niya na akong ikukulong sa kwartong iyon, pero hindi pa naman pala ganoon kasama si Tyler para gawin iyon. Sadyang ako lang talaga ang nag-iisip sa kanya ng ganoon.

Nakaupo na si Tyler sa hapag nang abutan ko. Tahimik akong umupo sa harap niya. Walang imik siyang kumuha ng kanyang kanin at ulam, tahimik ko lang din siyang ginaya. Tanging tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong kusina. Panakaw akong sumisilip kay Tyler sa bawat sandali.

He's giving me a cold treatment, at ayaw ko no'n. Pero may karapatan ba akong mag-protesta? Gayung ako naman ang dahilan kung bakit ganito ang pag-trato niya sa akin. Lahat naman siguro ng tao ay magagalit kapag niloko sila, kapag kinuha ang kanilang tiwala pagkatapos sa huli ay sasayangin lang din pala. Parang hindi ako naiba sa mga taong nanloloko, at hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili ko ngayon. Ginusto ko naman ito, hindi ba? Ginusto kong makatakas pero bakit nagsisisi ako ngayon na ganito ang pagtrato sa akin ni Tyler?

"G-Galit ka ba?" Lakas loob kong tanong sa kanya matapos ang ilang sandali. Nanginginig ang labi ko habang nakatitig sa kanya at hinihintay ang kanyang pagsagot.

"Wash the dishes when you're done," wika niya at tumayo na at nagtungo sa sala.

Bumagsak ang aking tingin sa aking nanginginig na mga kamay. Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko sa uri ng pagtingin niya kanina sa akin, maging sa malamig niyang boses. Para kasing lumabas na tila wala akong halaga sa kanya.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon