Kabanata XXVI

152K 4.5K 833
                                    

Naistorbo ang aking tulog dahil sa narinig kong mga hindi pangkaraniwang ingay. Napakunot ang noo ko habang nakapikit pa rin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang mga iyon, pero sa tingin ko ay may naririnig akong mga nag-uusap.

Unti-unti akong dumilat. Bumungad sa akin ang isang perpektong mukha. Noong una ay natulala pa ako sa kaperpektuhang taglay niya, pero nang mapagtanto ko na tulog pa rin siya, kinabahan ako, kung ganoon, kanino iyong mga boses na narinig kong nag-uusap?

Muli akong nakarinig ng ingay, sigurado akong nag-uusap-usap ang mga taong iyon na hindi ko mawari kung ilan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil mahina lang iyon o baka sadyang malayo lang ang kinaroroonan nila sa amin, basta ang alam ko, puro lalake ang may-ari ng mga boses na iyon. Nilukob agad ako ng kaba, may nakapasok sa bahay.

Hinarap ko kaagad si Tyler na hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog. Labag man sa kalooban ko ay sinimulan ko na siyang gisingin. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang aking gagawin at tanging siya lang ang maaasahan ko.

"Tyler," tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

Kumunot ang kanyang noo ngunit hindi dumilat. Hinapit niya pa ako papalapit sa kanya at mas humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko tuloy ang init ng katawan niya sapagkat wala kaming saplot sa ilalim ng kumot. Napalunok ako pero nakarinig na naman ako ng ingay na parang nanggagaling sa unang palapag ng bahay. Natatakot na ako.

"T-Tyler, gumising ka na please," nanginginig na ang boses ko.

Bahagya siyang dumilat para silipin ako. Pero nang makita niya ang aking takot na ekspresyon ay tuluyan na siyang napadilat na tila ba nagising ang kanyang diwa. Sinapo niya ang aking pisngi habang may nababahalang ekspresyon.

"What's wrong, Zafina?"

"M-May tao sa baba,"

Mas nangunot ang noo niya sa pagtataka. Akmang magsasalita pa siya nang may ingay na naman akong narinig sa baba, ngayon ay narinig na rin iyon ni Tyler kaya naalarma siya. Kaagad siyang napaupo habang ako ay hinawakan ang kumot na nakatakip sa akin para hindi iyon maalis.

"What the hell was that?"

"E-Ewan ko, k-kanina pa nga iyong ingay na iyon."

Nang dahil sa sinabi ko ay tumayo si Tyler nang hindi na nag-aabalang takpan pa ang kanyang kahubdan. Napaiwas ako ng tingin ngunit nakikita ko sa aking gilid ng mata ang kanyang bulto, mabilis siyang nagtungo sa aparador para kumuha roon ng kanyang susuotin.

"Wait for me here, I'll be back." Sabi niya nang masuot ang kanyang boxer. Akala ko tuluyan na siyang aalis pero nagtungo muna siya sa akin para halikan ang aking noo. "And don't ever leave this room until I told you so, understand?"

Tumango ako sa kanya. Kahit ang totoo ay kinakabahan na ako para sa kaligtasan niya. Paano kung masasamang loob pala ang nasa baba? Baka kung anong gawin nila kay Tyler! Hindi ko yata kakayaning may mangyaring masama sa kanya. Lalo na't kakaamin ko pa lang ng katotohanan sa sarili ko kagabi. Hindi ko pa nga napaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko, mawawala agad siya?

Marahas akong napailing. Walang mangyayaring masama kay Tyler. He can handle them. Pero tila nahulog ang puso ko nang makarinig ako ng sigaw.

"What the fuck are you all doing here?!"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon