Kabanata XXVII

145K 6K 1.5K
                                    

Mag-gagabi na ng umuwi ang mga kaibigan ni Tyler. Pero naunang umuwi sa kanila si Chase, mga alas dos pa lang yata ay nauna na siya, hindi niya yata kayang hindi makita si Enayis ng matagal. Wala naman masyadong ginawa sina Tyron sa bahay, ganoon naman yata silang magkakaibigan. Hindi uso sa kanila ang kamustahan o maiingay na pag-uusap, presensya lang ng isa't isa ay ayos na sa kanila. Ang weird nilang lahat pero tumutugma naman ang mga ugali nila sa isa't isa.

"Tyler,"

"Hmm?" Tugon niya at inamoy pa ang buhok ko. Nakahiga lang kami sa kama habang magkayakap, and I admit that I feel so contented right at this very moment, dahil lang sa kadahilanang payapa akong nakakulong sa mga braso ni Tyler.

"About Dark," paninimula ko.

"What about him?" Medyo nag-iba ang tono ng boses ni Tyler kaya tiningala ko siya mula sa pagkakahiga sa kanyang dibdib. Nakakunot ang noo nito na tila nagtataka sa pagsambit ko sa kaibigan niya. Nag-aalinlangan na tuloy akong magpatuloy pero ginawa ko pa rin. Wala naman sigurong masamang magtanong ng kaunti, hindi ba?

"Uhm, para kasing may kakaiba sa kanya kanina. Napansin mo ba?" Nanatili akong nakatingin sa kanya para pagmasdan ang kanyang magiging reaksyon. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.

"No,"

Tumango na lamang ako. Pero sa totoo lang, iniisip kong mali palang tinanong ko pa sa kanya iyon. Malamang hindi niya napansin, ako nga hindi niya napapansin kanina, si Dark pa kaya? Nagtutunog bitter tuloy ako, pero kasi hindi ko mapigilan, nagtatampo ako kay Tyler pero hindi ko naman siya kayang iwasan dahil lang sa tampong 'to. Mas gugustuhin ko pang makasama siya dahil hindi ko hawak ang panahon, hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili sa tabi ko si Tyler.

"Eh anong trabaho niya?" Tanong ko na lang ulit.

"Why are you suddenly interested about him?" May himig ng pagdududa ang boses ni Tyler, kaya naman agad akong umiling.

"Hindi naman, naisip ko lang bigla," dahilan ko. "Ano nga pala yung pinagkakaabalahan mo sa phone mo kanina?" Pang-iiba ko ng usapan.

"Nothing important,"

Hindi ko napigilan ang mapairap. Mabuti na lamang at hindi niya nakikita ang aking mukha dala ng pagkakasandal ko sa dibdib niya.

Nothing important, huh? Samantalang ni hindi niya na nga ako matapunan ng isang sulyap pero nothing important?

"We should sleep, we have somewhere to go tomorrow."

Napatingala ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Somewhere?"

Tipid siyang ngumiti, mabini niyang hinaplos ang aking pisngi bago sumagot. "A wedding,"

True to his words, kinabukasan ay pinagbihis niya ako ng isang bestida, ang pang-itaas na parte no'n ay kulay lila, habang ang pang-ibabang parte ay kulay puti. Umaabot iyon hanggang sa aking tuhod. Habang si Tyler naman ay nakasuot ng puting long sleeves na polo at itim na slacks. Tinupi niya ang kanyang polo hanggang sa kanyang siko kaya naman nadepina ang kanyang matitigas na mga braso. Idagdag pa ang kanyang kaakit-akit na mga ugat doon.

"We're here," napatingin ako sa labas ng kotse ng banggitin iyon ni Tyler.

Nasa harapan kami ng isang malaking mansyon. Pumilig ang aking ulo. Dito gaganapin ang kasal?

"Let's go," inalalayan na ako ni Tyler bumaba ng kotse.

Habang naglalakad kami papasok ng mansyon ay hindi ko napigilang igala ang aking paningin sa paligid. Ang gara ng loob, halatang mayaman na mayaman ang may-ari. May mga pangkasal na disenyo sa loob na kung hindi kulay puti, ay kulay lila naman. Pero wala namang tao sa loob. Nasaan na ang mga ikakasal?

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon