Kabanata XLIV

161K 4.9K 1.5K
                                    

Hingal na hingal ako nang makabalik ako sa hotel room ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng mga pawis sa aking sentido gawa nang mabilis kong pagtakbo.

I had never ran that fast again before. Yes, I jog, but not like that. Not that fast.

Huminga ako ng malalim nang unti-unti nang bumabalik sa normal ang aking paghinga. Pero ang kabog ng dibdib ko ay ganoon pa rin. Mabilis pa rin at napakalakas.

Pumikit ako ng mariin at pinilit kalmahin ang sarili.

You have nothing to worry about Zarina. Dark is here, as if he'll let you be captured by a psycho.

Dumilat ako at napagdesisyunan na lamang na umorder ng pagkain at huwag nang lumabas. That's a better idea than eating outside. Kaya ganoon nga ang ginawa ko. I ordered dinner, and as I patiently wait, I'm scanning my emails.

Akala ko walang problema, ang inaasahan ko ay wala, pero kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kama nang mabasa ang isang email galing sa aking sekretarya. Nakasaad doon na natataasan na kami ng kabilang kompanya, kaunti na lamang at mahihigitan na nila kami.

I remember Kiv. Sa sabado pa iyong kondisyon niya. Ilang araw na lang din naman iyon but heck! Magagawa ko pa ba iyong kondisyon niya gayung may natuklasan ako kanina?!

Pabagsak muli akong humiga sa kama. Problema na naman! Alangan namang magtungo ako sa bahay niya samantalang alam kong malaki ang posibilidad na may binabalak siya sa akin? Kung maaari nga ay ayaw ko nang magtagpo pa ang mga landas namin, tapos ako pa pala ang lalapit sa kanya sa Sabado? It's like a prey approaching its own predator! And that's absolutely insanity!

I screamed in frustration. What am I suppose to do?!

The ringing of the doorbell suddenly caught my attention. Tamad akong tumayo at tumingin muna sa peephole. I'm not going to repeat the same mistake I did earlier. Nang makumpirma kong iyon talaga ang magdadala ng inorder kong pagkain ay kinuha ko muna ang wallet ko bago ko binuksan ang pinto.

I reached for the food and gave him the exact amount of price before closing the door.

Sa kama ako kumakain nang biglang tumunog ang phone ko. I received a message from Dark, he told me that we're leaving at exactly 9pm. Napatingin kaagad ako sa orasan. I still have 2 hours. I wonder where we would go. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko para sa pagalis namin. I am busy doing that when again, the doorbell rang.

My forehead formed a knot, I am expecting no one. Maybe it's Dark? Or maybe the hotelkeeper? Tutal paalis na kami, baka balak nang ligpitin ang kwarto.

To confirm my thoughts, I went to the peephole to see who came.

Mas napakunot ang noo ko nang makita ang kaninang nagbigay ng order kong pagkain sa akin. Parehas kasi sila ng uniporme. Why is he here again? Napatingin ako sa pinagkainan ko na nasa kama. Oh, that's why. Hindi styro ang binigay sa akin kundi plato, their restaurant's plate, and now they need to get it back. Oh okay.

I opened the door, the guy is now wearing a cap unlike earlier. Pero parang... Mas lumaki yata ang katawan niya? Mas naging matipuno? I tried to look at his face but it was being covered by the black cap he's wearing.

"Uh... You're here to get the plates? Uhm... Wait here. Kukunin ko lang."

Tumalikod na ako para pumunta sa kama kung nasaan ang pinagkainan ko. I was picking the used plates when I heard the door loudly closed. Kaagad akong napalingon. My eyes widened at hindi ko napigilang mabitawan ang mga hawak na plato nang makitang pumasok na iyong lalake kanina!

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon