Kabanata XX

210K 7.9K 1.5K
                                    

Kumapit ako sa dulo ng aking damit, umaasang mababawasan ang aking panginginig kapag nagkaroon ako ng makakapitan. Pero wala iyong naging epekto, wala nga yata talagang makakatulong sakin para mabawasan ang aking kaba.

Napasilip ako kay Tyler habang nakayuko pa rin nang marinig ko siyang bumuga ng hangin. Mariin siyang pumikit habang napapasabunot siya sa kanyang buhok. He looks frustrated. Hindi na ako dapat magtaka pa roon.

Tumingin siya sa akin, awtomatiko akong napaiwas ng tingin. Muli siyang nagpakawala ng marahas na buntong hininga bago siya tumalikod sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapaangat ng ulo nang lumabas siya ng silid, sinundan ko siya ng tingin. Lumabas siya at pabagsak na sinara ang pinto. Nag-echo pa iyon sa buong kwarto dahil sa lakas. Narinig ko ang pag-lock ng pinto at wala akong nagawa kundi ang mapapikit sa kaisipang kinulong niya na naman ako. I'm stuck here again. Pero maigi na ring ganito lang ang ginawa niya bilang kabayaran sa pagtakas ko. Maswerte pa ako sa lagay na ito at hindi ganoon kalala ang ginawad niyang kaparusahan sa akin. But do I really deserve this?

Napapabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa gilid ng kama. Inaalala ko ang mga nangyari sa buong araw. Hindi ko alam na sa una palang ay alam na ni Tyler ang pag-akto ko upang makatakas. Hindi ko alam kung hindi ko ba nahusayan ang pag-arte ko, o sadyang magaling lang talaga siya. Pwede rin namang parehas, nahusayan ko ang aking pag-arte pero mas mahusay lang talaga siya sa paglarawan sa bawat galaw ng mga tao.

Muli akong bumuga ng hangin sa hindi ko na mabilang na beses. Humiga ako sa kama at nakipaligsahan ng titig sa kisame. Ano na ang gagawin ko ngayon? Iyan ang pinakamahirap na tanong na aking kinakaharap na hindi ko masagot-sagot.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip tungkol sa bagay na iyon. Naalimpungatan lamang ako nang maramdamang may nagbibigay sa akin ng mabibigat na titig. Unti-unti kong minulat ang aking mata at agad kong nasalubong ang asul subalit malalamig na pares ng mga mata ni Tyler. Kulang na lang ay manginig ako sa lamig na taglay ng mga mata niya.

"T-Tyle--" Napatigil ako sa akmang pagtawag sa kanya. Napakunot ang aking noo nang may mapansin akong mali nang sinubukan kong umupo. I can't move.

Tumingin ako sa may baba at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang nakatayo ako. Kitang-kita ko iyon sa mga paa kong nakatapak sa sahig. Paanong--? Tumingin ako sa itaas at halos malagutan ako ng hininga nang makita ang sitwasyon ko. Nakakadena ang aking mga nakataas na kamay. Binundol agad ako ng kaba kasabay ng hindi pantay na paghinga ko.

Ang kadena ay nakakabit sa kisame na siya palang dahilan kung bakit ako nakatayo kaninang tulog ako. Iyon ang nagsisilbing bagay upang hindi ako matumba, at siya ring dahilan upang hindi ako makaalis sa aking pwesto. Pero bakit ako naka-ganito? Napapalunok ako habang dahan-dahang tinignan si Tyler.

"A-Ano ang ibig sabihin n-nito, T-Tyler?" Halos hindi ako makalikha ng maayos na pangungusap dahil sa nerbyos.

Nilibot ko ang aking paningin at napagtantong wala ako sa lugar na pinagtulugan ko kanina. Nasa isa akong lugar ngayon na tanging isang pabilog na kama lang ang gamit sa loob. Kulay pula iyon maging ang kumot, kulay puti naman ang mga unan. Ngunit halos magmukha ring pula ang mga puting unan dahil sa pulang ilaw na siyang nagbibigay ng liwanag. Kaya naman nagmumukhang pula ang kulay ng kapaligiran. This place looks sensual and... erotic.

"Do you really think I'll let your disobedience pass without a punishment, Zafina?" Bumalik ang tingin ko kay Tyler. Mas bumilis ang tibok ng aking puso. "Considering the fact that your mistake was worse than the last time. You didn't just tried to escape, Zafina. You also tried to fool me."

Under His SpellWhere stories live. Discover now