Kabanata XIII

183K 6.2K 1.7K
                                    

I've never been this confused my whole life. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Kung pipiliin ko ang aking pangarap, hindi ko pwedeng sabihin kay Tyler na hintayin niya ako. Dahil may trabaho nang naghihintay sa akin pag nakatapos ako roon, kaya maaaring doon na ang magiging buhay ko. Kumbaga, wala akong kasiguraduhan kung mababalikan ko pa nga ba si Tyler.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko kayang mag-desisyon ng sarili ko lang, napakahirap pumili. Tumingin ako sa telepono ko nang tumunog iyon. Nagkataong lumabas ang pangalan ni Enayis mula sa screen. Nais niyang makipagkita sa akin. Para akong binigyan ng tsansa para ibahagi sa iba ang problema ko. Agad akong pumayag kay Enayis.

Naghanda na ako para umalis. Sabado ngayon, walang pasok ngunit wala si Tyler, kahit weekends ay abala pa rin siya sa pagte-training. Minsan ay naaawa na ako sa kanya dahil sa pagod na nakarehistro sa kanyang mukha tuwing umuuwi siya, pero hindi naman uunlad ang isang tao kapag hindi siya naghirap.

Sa isang café nakipagkita sa akin si Enayis. Malaki ang ngiti sa kanyang mukha, sabik na sabik siyang nagpakwento sa kung ano ang nangyari noong anibersaryo namin ni Tyler. Nakangiti ko naman iyong kinwento sa kanya. Halos magtititili-tili siya sa café, minsan nga ay napapayuko ako kapag tumitingin sa amin ang ibang customers sa loob. Napaka-baliktad talaga ng ugali nila ni Chase sa isa't isa.

"Zafina," nagiba ang tono ng boses ni Enayis.

Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Bakit?"

"May problema ka ba?" Nabigla ako sa sinabi nito. Paano niya iyon nalaman? "Napansin ko lang kasi na may lungkot sa mga mata mo ngayong nagkukwento ka. Dati naman, punong-puno ng tuwa ang mga mata mo sa tuwing nagk-kwento ka tungkol sa inyo ni Tyler. Tell me, may problema ba kayo?"

Napabuga ako ng hangin. Nahalata niya pala iyon. Hindi kasi mawala sa utak ko iyong sulat. Kaya imbis na matuwa ako tuwing inaalala ko ang mga pagsasama namin ni Tyler, ay nahahaluan na ng lungkot ang pakiramdam ko dahil sa posibilidad na maging masamang alaala na lang ang mga pagsasama namin ni Tyler.

Kaya sinabi ko ang problema ko kay Enayis. Sinabi ko lahat ng kaguluhan sa utak ko. Tahimik lang siyang nakinig sa akin. Madalas man siyang maingay, pero mapagkakatiwalaan naman siya padating sa mga ganitong sitwasyon.

"I'll be honest with you Zafina, mahirap kumapit sa isang relasyon kung hindi mo alam ang nararamdaman niyo para sa isa't isa. Tyler never said that he loves you."

Nakagat ko ang aking ibabang labi. She's right. And I hate it. And I don't even know why I hate that she's right.

"Yes, he never did." Bulong ko sa hangin.

"And the notice that you received is a once in a life time opportunity. Doon, may kasiguraduhan ka na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. I'm not saying na hindi ka magkakaroon ng bright future kay Tyler dahil mayaman naman siya, but hindi naman natin alam kung hanggang kailan kayo magtatagal ni Tyler. As I said awhile ago, hindi natin alam ang nararamdaman niya para sayo."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon