Kabanata XIV

180K 5.7K 1.6K
                                    

Hindi ko lang pangarap ang magkaroon ng magandang buhay, pangarap din iyon ni tatay para sa akin. Sinabi ni Enayis na pinaka-mahigpit na kalaban ng tao ay ang pagsisisi, kaya naman nag-isip ako ng malalim. Kung iiwan ko si Tyler, magsisisi ba ako? Isa iyang katanungan dahil walang kasiguraduhan.

Pero kapag binitawan ko ang pangarap ko, siguradong magsisisi ako. Madadala ko ang pagsisisi sa aking pagtanda dahil hindi ko naabot ang pangarap ko at ang pangarap ni tatay para sa akin gayung nagkaroon naman ako ng pagkakataon para abutin iyon. At kung ipagkukumpara ko ang dalawa, isa lamang ang masasabi ko, hindi ko kayang kumapit sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

Pinasok ko ang relasyon namin ni Tyler dahil gusto ko siyang mapasaya. Masaya naman na siya. Inisip ko na, wala naman siguro siyang mararamdaman kahit iwan ko na siya. Tutal, wala naman siyang nararamdaman para sa akin. Tungkol naman sa nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko na dapat iyon isipin pa. Dahil sa aking palagay, kakayanin ko naman kung meron o wala man akong nararamdaman para sa kanya. Kakayanin ko.

"Boo!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang gulatin ako ni Axle. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin na nginisian niya lang. "Tulala ka na naman, problema mo?"

Umiling lang ako sa kanya at bumalik na sa pagsusulat. Narito ulit kami sa bahay ni Axle, abala kami sa pagpatuloy ng paggawa ng aming thesis. At minu-minuto, hindi ko namamalayan na napapatulala pala ako, nawawalan ako ng konsentrasyon sa paggawa ng thesis namin.

Hindi ko maalis sa akin na balikan ang nangyari dalawang oras pa lang ang nakalilipas. Iyong ekspresyon ni Tyler, iyong... Marahas akong umiling at pilit inalis ang kanyang naging reaksyon nang makipaghiwalay ako sa kanya. Kinailangan kong magsinungaling sa kanya, dahil kung sasabihin ko ang totoong rason, alam kong hindi niya pa rin ako pakakalawan. Siya mismo ang nagsabi no'n, kahit anong mangyari, hindi niya ako pakakawalan. Kaya naghanap ako ng mas mabigat na dahilan, at iyon ang oras. Dahil kapag sinabi kong nakukulangan ako sa oras na binibigay niya sa akin, ay papakawalan niya ako, dahil hindi niya naman ako pwedeng ipagpalit sa pag-te-training niya. Iyon ang akala ko.

Akala ko sapat na rason na ang sinabi kong kasinungalingan sa kanya, dahil ang buong pagkakaalam ko, wala akong panama sa kompanya ng kanyang pamilya kaya mas pipiliin niya iyon kesa sa akin. Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko kanina nang sinabi niya sa aking ibibigay niya sa akin lahat ng kanyang oras huwag ko lang siyang iwan. Ibig sabihin, handa niyang bitawan ang pag-te-training niya mabigay niya lang lahat ng oras niya sa akin, para hindi ko siya iwan. At iyon ang kinatatakot ko, hindi pa pala sapat ang rason ko sa kanya. Paano kung habulin niya ako? At bakit ba kasi ayaw niya akong pakawalan?

"...You gave me hope when everything is falling apart." Biglang um-echo sa aking isipan ang sinabi ni Tyler.

Binitawan ko sandali ang hawak kong ballpen tsaka ko tinakpan ng dalawa kong palad ang aking mukha. Kagabi, buo ang pasya ko na gawin itong plano ko. Pero bakit binabagabag ako ng isang damdamin? Isang damdamin na hindi ko mapangalanan. Konsensya? Hindi ako sigurado.

"Are you alright?" Nang ialis ko ang aking mga palad sa aking mukha ay sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Axle. "Kanina ka pa parang wala sa sarili mo, ituloy na lang natin ito bukas."

Walang pag-aalilangan akong tumango sa kanya. Parang sasabog na ang utak ko, ayaw ko munang dagdagan ang sakit ng ulo ko. Ngayon lang ako magpapahinga. Kaso may isa pa akong problema, wala pa akong matutuluyan. Wala rin akong kagamitan, tanging ang mga pera lang na kinita ko sa bar at cellphone ko ang dala ko ngayon. Hindi na ako nag-abala pang kunin ang mga damit ko sa condo ni Tyler dahil lahat naman ng mga iyon ay siya ang bumili. Nakina Jamaica talaga ang mga tunay na damit ko.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon