Kabanata XXIV

158K 4.5K 666
                                    

Tahimik ang aming naging byahe pag-uwi. Maging sa pagpasok namin sa loob ng bahay ay walang nagsasalita, pero minsan ay napapabuntong-hininga si Tyler sa hindi ko malamang dahilan. Umupo ako sa kama pagpasok namin sa kwarto. Napahinga ako ng malalim at wala sa sariling napatulala. Ngayon lang tuluyan na rumehistro sa utak ko ang lahat. Ayaw sa akin ng tatay ni Tyler.

Napatingin ako sa harap ko nang sumulpot doon si Tyler. Umupo siya sa tabi ko, pagtingin ko sa kamay niya ay may hawak na siyang first aid kit.

"Let's get your wound cured," wika niya at nagsimula nang buksan ang first aid kit.

"Hindi na kailangan, maliit lang naman--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hawiin niya na ang buhok ko tsaka inilagay ito sa kabilang gilid ng aking leeg kung saan walang sugat. Napabuntong hininga na lang ako.

Sinimulan niya nang gamutin ang sugat ko. Napalunok ako nang mas lumapit pa siya sa akin. Nalalanghap ko na ang mabango at kaakit-akit niyang amoy. Parang gusto ko siyang kabigin bigla at amoy-amuyin ang kanyang leeg.

Napakislot ako nang maramdaman ang bulak sa aking kalmot. Habang ginagamot niya ako ay parang may nagtulak sa akin para magpaliwanag sa kanya ng tungkol sa nangyari kanina.

"I'm sorry," bulong ko. Pero dahil malapit lang siya sa akin ay narinig niya iyon. Tinignan niya ako ng nakakunot-noo.

"For what?"

"H-Hindi ko sinasadyang matulak si Jamaica kanina. W-Wala naman talaga akong balak gawin iyon p-pero--"

"You don't need to explain. I believe you no matter what happens." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Thank you," sabi ko.

Nang matapos niya na ang kanyang ginagawa ay nagtungo na ako sa banyo para magbihis na ng pambahay. Naalis ko na ang aking pantaas, kasunod ng aking pambaba. Ngunit natigilan ako nang makita ang aking panloob... May bahid iyon ng dugo. Tila pumroseso pa ang utak ko bago ko tuluyang napagtanto na dinatnan na pala ako.

Oo, dinatnan na nga ako. Hindi ako buntis. Walang nagbunga sa ginawa namin ni Tyler.

Pero bakit imbis na matuwa ay ang bigat ng dibdib ko? Huminga ako ng malalim. You should be happy, Zafina, may tsansa pa para maabot mo ang pangarap mo. Pero bakit taliwas no'n ang nararamdaman ko?

Umiling ako bago dahan-dahang nagtungo sa pinto. Para akong nanghihina na ewan, hindi ko maintindihan. Kaya pala medyo moody ako ng nagdaang araw, magkakaroon na kasi ako.

"Tyler," tawag ko sa kanya mula sa loob ng banyo. Nanatiling nakasara ang pinto ng banyo, wala pa rin kasi akong saplot hanggang ngayon.

Narinig ko agad ang mga yabag ni Tyler papalapit. Sumunod ang kanyang boses, "What is it, Zafina?"

"P-Pwede bang kuhan mo ko ng pads?"

"What? I don't understand,"

Huminga ako ng malalim, "I-I mean, napkin." Nakagat ko ang aking ibabang labi. "D-Dinatnan na kasi ako ng p-period ko."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon