Kabanata XXXI

128K 4.3K 2K
                                    

A/N: Prepare yourselves.

-

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya. Napakaseryoso kasi ng dating niya. Dati naman tuwing nakikita ko siya ay wala siyang emosyon, pero ngayon kitang-kita ko sa asul niyang mga mata na may napakaimportante siyang sasabihin sa akin.

Nagtungo si Tyron sa sala at naupo sa sofa. Sinundan ko naman siya.

"Gusto mo ba ng coffe--"

"No," kaagad niyang putol sa akin.

Mukhang kating-kati na siyang sabihin sa akin ang sasabihin niya kaya umupo na rin ako harap niya.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?"

"It's about Tyler," ewan ko pero napalunok ako nang sabihin niya iyon. Mukhang hindi maganda ang sasabihin niya.

"W-What about him?"

"Does he leave often?"

"Uhm, 4 times a week, but nagstart lang ang pag-alis niya nung nakaraang linggo."

"I see, what time does he always leave?"

"Actually, hindi fixed, minsan ala una siya ng hapon umaalis, minsan alas nuwebe ng umaga katulad ngayon, minsan naman ala singko din ng umaga umaalis na siya. Pero lagi namang 6 to 7 ng gabi ang uwi niya."

Napatango siya sa sinabi ko. Sandali siyang nanahimik na parang may iniisip bago siya muling nagtanong.

"Do you know the reason why he always leave?"

"Ang sinasabi niya lang sa akin ay importante iyon. So I assume na about sa business niyo iyon."

"And you believed him?"

Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Para kasing may himig ng pagka-sarkastiko ang boses niya.

"Oo naman, wala naman siyang ginagawang masama."

"You're sure about that?"

Doon na kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Ngumisi pa kasi siya sa akin na tila ba nang-uuyam.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinukod niya ang kanyang dalawang siko sa magkabilang tuhod niya at pinagsiklop ang kanyang mga daliri bago niya ako tinitigan ng malalim.

"I heard that Jamaica's pregnant,"

Hindi ko alam pero napigil ko ang aking hininga sa kanyang sinabi. Kumabog din ng napakabilis ang puso ko.

J-Jamaica... Is p-pregnant?

"R-Really? T-That's good, I guess." Wala sa sarili kong wika.

Napatingin ako sa aking mga kamay. Nanginginig ang mga iyon. At hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"And I saw them yesterday,"

"Them?"

Tumitig siya muli sa akin bago sumagot. "Jamaica and... Tyler,"

Namilog ang mga mata ko. W-What... I thought he was...

"I don't easily jump into conclusions, Zafina. But seeing them going TOGETHER into a clinic, made me realize how thoughtful it is of your boyfriend to assist a pregnant woman to meet her obgyne."

Napalunok ako, unti-unting sumisikip ang dibdib ko. May konklusyong pumapasok sa utak ko pero pilit ko iyong tinataboy.

"Unless, Tyler is the fathe--"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon