Kabanata XXXII

152K 5.3K 3.3K
                                    

"Z-Zafina,"

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang wala pa ring tigil sa pag-agos ang luha ko. Lalo na at kitang-kita ko ngayon na halos mawalan na siya ng dugo sa kanyang mukha.

H-He looks guilty... And I hate it, I fvcking hate it! You shouldn't be guilty, Tyler. Wala ka namang g-ginawang masama, d-diba?

"Z-Zafina," muli niyang sinambit ang pangalan ko. Tila hindi niya alam ang gagawin niya dahil nanatili pa rin siyang nakatayo sa may pinto.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sistema, pero wala iyong naging epekto. Nauwi lamang ang aking paghinga sa isang hikbi.

Doon na tila nagising si Tyler, nilapitan niya ako at sinapo ang aking dalawang pisngi. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya. Pero hindi ko siya tinabig, ni hindi ko nga magawang umiwas, para lang akong napako sa aking kinatatayuan.

Tumingin ako sa kanyang mga mata, at kahit nanlalabo ang mga mata ko dala ng pag-iyak ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko makita ang matinding pangamba sa asul na mga mata niya.

"L-Listen to me, baby," wika niya at pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang dalawang hinlalaki. "I-I am not the father, you hear me? I am not the father."

With that, I broke down. Hindi ko na napigilang ipalupot ang aking mga kamay sa kanyang bewang at sumubsob sa kanyang dibdib saka umiyak nang umiyak. Naramdaman ko naman agad ang mahigpit na pagyakap niya sa akin pabalik.

Iyon lang ang gusto kong marinig mula sa kanya; ang mga katagang hindi siya ang ama.

"Hush baby, it hurts whenever you cry, especially when I am the reason behind." Wika niya pero mas lumakas lang ang iyak ko. Iyak dahil sa ginhawa mula sa takot na kanina ay nararamdaman ko.

Natakot ako ng sobra, akala ko totoong nagkasala si Tyler. Akala ko pinagpalit niya na talaga ako. Akala ko nagsawa na talaga siya sa akin. Akala ko hindi niya talaga ako mahal. Akala ko mawawala na siya sa akin. Mabuti na lamang at lahat ng iyon ay akala lang. Hindi ko yata kakananin kapag totoong siya ang ama ng dinadala ni Jamaica.

Napatingin ako sa cellphone ni Tyler na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin habang nakayakap ako sa kanya. Humigpit ang hawak ko doon.

Sapat na na sinabi ni Tyler na hindi siya ang ama. Hindi ko na kailangan pang marinig ang paliwanag niya, ang katotohanan sa likod ng mga pagpapalitan nila ng mensahe ni Jamaica. Hindi ko na iyon kailangan pang malaman. Ayoko na iyong malaman.

Dahil aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na narito pa rin ang takot. Takot sa posibilidad na ang lahat ng akala ko ay maaaring totoo.

Kumalas na ako sa pagyayakapan namin ni Tyler. Pinunasan ko ang aking mukha habang ang mga kamay ni Tyler ay mahigpit pa rin na nakapirmi sa aking bewang. Na para bang kahit anong oras ay mawawala ako sa kanya.

"C-Cellphone mo nga pala," nauutal kong sabi. Nanginginig pa ang kamay ko nang inabot ko sa kanya iyon.

Pero imbis na abutin niya ay napatitig lamang siya roon. Bago siya tumingin sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago niya kinuha sa akin ang cellphone at binato iyon sa may kama.

Natatakot akong buksan niya ang usapan tungkol sa mga mensaheng iyon kaya napagdesisyunan kong magsalita muli.

"S-Saan nga pala tayo pupunta?" Pag-iiba ko na ng usapan kay Tyler, pilit akong ngumiti sa kanya.

Pumisil ang kamay niya sa bewang ko bago siya sumagot. "To our company, then we'll have lunch outside afterwards."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon