Kabanata XXVIII

140K 4.7K 625
                                    

Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa aking narinig.

T-Tyler... loves me?

Sa unang pagkakataon, ay ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng aking puso kahit hindi ko hawak ang aking dibdib. Gano'n iyon kalakas. Parang sa kahit anong oras ay mabubutas ang dibdib ko at kakawala roon ang aking puso.

Sa sobrang pagkatuliro ko, namalayan ko na lamang na wala na si Tyler sa aking harap, at ang sunod kong narinig ay ang tunog ng sasakyang umalis.

Napakurap ako. He just left me after declaring his feelings. Pero kahit na ganoon, masyadong nag-uumapaw sa kasiyahan ang puso ko para magalit. Ngayon lang pumreseso sa utak ko ang lahat.

H-He loves me! Tyler also loves me!

Gumuhit ang isang napakalaki at napakatamis na ngiti sa aking labi. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng tili dahil sa tuwa kasabay ng pagtalon.

Daig ko pa ang taong nanalo sa lotto. Dahil sa tuwa, ay para bang naabot ko ang aking pangarap. Napatawa ako sa kasiyahan. Naabot ko naman na talaga ang pangarap ko. Tyler.

Malaki pa rin ang ngiti ko nang tinahak ko ang sofa para maupo. I'll just wait for Tyler. Iyong lalake namang iyon kasi, hindi lang ako nakasagot sandali, umalis na agad.

Habang nakaupo ay umulit-ulit sa utak ko ang kanyang sinabi kanina lang. Matagal na pala niya akong kilala, labingdalawang taon pa lamang ako, that means seven years ago, kasama na ang dalawang taong pagsasama namin. Sa limang taon na pinagmamasdan niya ako sa malayo, ni hindi ko man lang siya napansin ni isang beses.

But that doesn't matter now, what matters right now is the fact that Tyler loves me. Pero paano ko rin aaminin sa kanya ang nararamdaman ko?

Hindi ko namalayan na sa paghihintay at sa pag-iisip ay nakatulog na ako sa sofa. Maaga rin akong nagising kinabukasan, at ganoon na lamang ang pagkadismaya ko nang wala pa rin akong nakita bakas ng pagdating ni Tyler.

Nagsimula na akong mag-alala, but I convinced myself that Tyler can handle himself. Napanatag naman ako roon kahit papaano.

Tumayo ako at pupunta na sana sa kusina para magluto ng agahan nang may marinig akong ugong ng sasakyan sa labas.

Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis pa ako sa alas kwatrong nagtungo sa labas. Pero isang hindi pamilyar na sasakyan ang nabungaran ko.

Napakunot ang noo ko, pero agad iyong nawala ng lumabas mula sa sasakyang iyon si Enayis.

"Good morning! I tried to contact you but you were not answering my calls." Nakanguso niyang bati pagkatapos niyang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Ah, kagigising ko lang," pilit kong tinago ang pagkadismaya sa boses ko dahil sa pag-aakalang sasakyan ni Tyler ang dumating.

"Alright then, magbihis ka na. We're going to eat outside for breakfast."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi yata maganda kung aalis ako nang hindi pa kami nagkakausap ni Tyler. Nakita ni Enayis ang alanganin kong ekspresyon kaya naman agad siyang nagsalita.

"Nasaan ba si Tyler? If nagdududa ka kung papayagan ka niya, ako na ang magpapaalam sa'yo."

She got my expression wrong, akala niya kaya ako nag-aalangan ay dahil sa posibilidad na hindi ako payagan ni Tyler. Napabuga na lang ako ng hangin.

"He's not here, actually," mahina kong sabi.

"Then that's great! No more permission to ask for. So, tara na?"

Napaisip ako. Mamaya pa naman siguro dadating si Tyler.

Tumingin ako kay Enayis at tumango, "Sige, magbibihis lang ako,"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon