1 Million Special

204K 6.6K 3.9K
                                    

A/N: Since we have reached 1 million reads, here's another special chapter! Cheers! 🍻

-

Pronunciation of their names:

Zephyrus (Ze • fay • rus)

Zekairo (Ze • kay • ro)

Zeandrex (Ze • yan • drex)

Zethaniah (Ze • than • yah)

-

"Manang, tapos na po ba iyong menudo?"

"Oo, kaunti na lang, anak."

Napatango ako. Malapit na kasing dumating ang asawa ko.

Tumingin ako sa wall clock. Sa tingin ko'y mga sampung minuto na lang darating na siya, ala sais pa lang kasi ay nakakauwi na iyon galing trabaho.

"Ba ba ba ba!"

Napatingin ako sa mga anak ko. Nakaupo sila sa kani-kanilang high chair kasama ang mga nannies nila.Kinuhanan sila no'n ni Tyler, hindi naman kasi biro ang magkaroon ng apat na sanggol. Napakahirap, pero sa abot naman ng makakaya ko ay sinusubukan kong ako lagi ang tumututok sa kanila. Parang naging tagabantay lang iyong mga nannies nila, syempre hindi naman apat ang mata ko para lahat sila ay matutukan ko.

Nga pala, nakakaupo na sila at nakakagapang na rin. Minsan ay tumatayo na rin sila, pero hindi pa nakakalakad.

"Pauwi na si daddy, babies. Hintay lang tayo, ha?"

Sinagot lang nila ako ng kani-kanilang lengguwahe. Well, except for Phyrus, nakatingin lang kasi siya sa hawak niyang kutsara na tila ba iyon na ang pinakainteresadong bagay sa mundo.

As time goes by, napapansin kong siya ang pinakatahimik sa apat. Siya rin ang hindi hilig ngumiti, kami lang yata ni Tyler ang nakakapagpangiti sa kanya. Ang hilig niya lang ay ang pagmasdan ang paligid. He's observant and too quiet. Bihira nga lang din siyang umiyak kaya minsan ay hindi ko pa nalalaman kung gutom na ba siya kasi wala kang maririnig mula sa kanya. Minsan ay nag-aalala na ako, pero sabi naman ni Tyler I have nothing to worry about. Lumalabas na kasi talaga ang kaunti sa pag-uugali ng isang bata kapag mag-iisang taon na. And it seems like Zephyrus will grow as a mysterious and eerie man.

As for Zekairo, medyo maloko ito. Katulad na lang ngayon.

"Kairo baby, huwag mong isubo iyan, baka umabot sa lalamunan mo." Sinusubo nito ang kutsara.

Akmang aabutin ko ang kutsara nang itinago niya iyon sa kanyang likod at ngumisi sa akin ng nakakaloko. Ang mga mata nito ay nagsusumigaw ng kapilyuhan.

Napailing ako. Minsan ay may sinusubo siyang maliliit na bagay at kapag hinihingi ko iyon pabalik ay ganito talaga ang ginagawa niya, itatago niya ang dalawang kamay sa likod saka ngingisi ng nakakaloko. Kuhang-kuha niya ang ngisi ng ama.

"Kairo, isa," pagbabanta ko.

Mas lumaki lang ang ngisi nito.

"Sa!" Panggagaya nito sa sinabi ko.

"Kairo..." Ngayon ay mas diniinan ko ang boses.

Nilabas niya naman uli ang kanyang mga kamay, pero wala na roon ang kutsura.

Inaasahan ko na iyon, alam kong itinago niya ang kutsara. Naalala ko noon, dalawang holen ang tinago niya mula sa akin. Tinago niya ang mga kamay sa likod pero nang ipakita niya uli sa akin ang mga kamay ay wala na ang dalawang holen. Akala ko ay palihim niyang tinapon kaya hindi ko na inalala. Pero nang pinapalitan ko na siya ng diaper ay doon ko nakita ang hinahanap ko. Sinuksok niya ang dalawang holen sa diaper niya! Napakaloko, hindi ba? Nang matuklasan ko iyon ay gulat akong napatingin sa kanya, pero nginisian niya lang ako ulit.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon