Kabanata XLVII

197K 5.9K 3.7K
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makakilos. Ang paghinga ko ay pabigat nang pabigat, nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay babagsak na ako sa kahit anong oras dala ng panghihina.

"Naku ma'am! Ako na po dyan! Pasensya na po sa abala!"

Biglang dumating ang orihinal na receptionist at kaagad kinausap at inasikaso ang matandang babae. Pero hindi ko pa rin magawang maigalaw kahit isang daliri ko. Tila nablanko ang utak ko.

"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" Wala sa sarili akong napatingin sa receptionist nang hawakan nito ng marahan ang braso ko. Nag-aalala itong nakatingin sa akin. Pero para lang akong tangang nakatulala sa kanya. "Ma'am? Nakaalis na pa iyong matand–-"

"S-Si Tyler..." Napakunot ang noo nito sa bitin na sinabi ko. Hindi ko alam kung paano ko pa iyon dudugtungan dahil sa kablankuhan ng utak ko pero sinikap ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para madugtungan ang tanong na gustong-gusto kong mabigyan ng kasagutan. "N-Nabaliw si Tyler?"

"Ma'am? Ano pong ibig niyong sabihin? Bakit po kayo kaagad nagkakaganyan? Umalis lang po ako saglit. May nangyari po ba habang wala ako?"

Napakapit ako sa mesa at mariing pumikit. Hindi ako dumilat hangga't hindi pa pumapasok sa utak ko ang lahat.

Si Tyler... N-Nabaliw siya?

Tangina! Imposible! Napakaimposible!

Huminga ako ng malalim. Dumilat ako at bumungad muli sa akin ang pangalang malinaw na malinaw na nakasulat sa isang pahina ng libro.

Napatiim bagang kong hinarap ang receptionist na nakatingin lang sa akin. Tinuro ko ang pangalan sa kanya. Kaagad naman siyang napatingin doon.

"Tyler... T-Tyler Craig Smith... W-Why is his name's here? I-I mean... W-Was he admitted here b-because... h-he was once insane?" I know, that was a stupid question. Imposible namang maadmit ang tao dito kung hindi baliw, kaya nga mental hospital. But I want to be sure! I need an assurance! Dahil fuck! Hindi ako makapaniwala!

"Ah!" Nakitaan ko ng realisasyon ang mukha ng babae. "Iyong lalake pong may asul na mga mata?" Bumilis ang tibok ng puso ko.

N-No... This can't be.

"Ay opo! Hinding-hindi ko siya makakalimutan! Siya iyong baliw na banggit nang banggit sa pangalang 'Zafina'."

Muntik na akong matumba kung hindi lang ako nakakapit sa lamesang nasa tabi ko. No...

"Walang araw na hindi niya binanggit ang pangalang iyon kaya nga alalang-alala ko pa. Kapag umiiyak siya, Zafina ang binabanggit niya, kapag nagwawala siya, ay Zafina pa rin ang lumalabas sa bibig niya, kahit tuwing nakangiti siya ay Zafina. Zafina, Zafina, Zafina." Bumigat ang dibdib ko. "Alam mo ma'am, hindi naman sa pagiging tsismosa, ha? Pero gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon. Napakaswerte niya kasi at baliw na baliw sa kanya ang isang mabuting lalake na humantong sa mismong pagkabaliw nito nang iwan siya. Hindi ko alam ang buong istorya nila, pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal siya ng Tyler na iyon para umabot sa puntong mabaliw ito sa sarili nitong pagmamahal."

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. Parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko sa naririnig ko. Habang tumatagal, mas dumidiin, mas sumasakit.

Binabalik ng babae ang libro sa dati nitong lalagyan kaya't nakatalikod ito sa akin ngayon at hindi nakikita ang wasak kong ekspresyon.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon