Kabanata IV

207K 6.9K 1K
                                    

Pinagmasdan ko ang suot kong uniporme habang pinaplantsa ito gamit ang kanang kamay ko.

Tamang-tama sa sukat ko ang kulay puting long sleeves polo na umaabot hanggang sa ibaba ng siko ko, may linings ito na kulay krema sa magkabilang gilid at parteng kwelyo. Sa itaas ng polo sa bandang kaliwa ay nakatahi ang logo ng eskwelahan. Tinernuhan ito ng maiking kulay krema na palda na umaabot naman hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. At dahil ayaw kong ilantad ng masyado ang balat ko ay nagmedyas ako ng puti na hanggang tuhod.

Nang magsawa ang mga mata ko kakatitig sa suot ko ay kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng mga libro tsaka ako sumibat paalis ng bahay. Alas sais pa lang ng umaga kaya naglakad na lang ako, tipid din iyon sa pamasahe. Sinadya kong maagang umalis dahil ayaw kong magkasalubong kami ni Jamaica at maabutan niya akong ganito ang suot na uniporme. Hangga't sa maaari ay hindi ko hahayaang mag'krus ang mga landas namin.

Pagkalipas ng tatlumpu't minuto ay nakarating ako ng eskwelahan. Pinigilan ko ang mapanganga nang makita ko ang kabuuan no'n. Napakalaki. Pakiramdam ko ay hindi ako nabibilang sa lugar na iyon.

Bumuga ako ng hangin bago ako pumasok. Ayon sa schedule ko ay mamaya pang alas otso ang unang klase ko kaya nang makakita ako nang malawak na garden ay tumambay muna ako roon. Umupo ako sa isang bench na nasisilungan ng isang puno.

Habang patagal ng patagal ay dumarami na ang mga tao. May iba pang napapagawi ang tingin sa akin at bigla na lang silang mapapangiwi, lalo na pag dumadapo ang tingin nila sa sapatos kong pudpod pati na rin sa bag kong sira-sira. Ang ibang mga grupo ng mga babae ay nagtatawanan pa na waring nangiinsulto pero binabalewala ko na lang. I expected this, syempre, ano nga naman bang aasahan ko sa eskwelahan ng mga mayayaman? Of course, spoiled brats.

Yumuko na lang ako at pinagkiskis ang mga sapatos ko habang tinititigan iyon. Ganoon lang ang pinagkakaabalahan ko nang mapansin kong pahina na ng pahina ang kaninang malalakas na boses ng mga studyante, kung hindi nagbabatian, ay naghahalakhakan sila. Tumingin ako sa lumang relo ko at nakitang alas syete na. Marami sigurong may schedule ng ganitong oras.

Pagkababa ko ng kamay ko ay siyang pagharang ng isang bulto ng tao sa harap ko. Iniangat ko ang mukha ko at ganoon na lang ang pagwawala ng sistema ko nang nakita ko si Tyler. Nakapamulsa siya habang nakasukbit ang backpack niya sa kanyang kanang balikat. Bagay na bagay sa kanya ang panlalakeng uniporme namin, nagmukha siyang bad boy dahil nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya kaya malayang sumisilip ang pula niyang shirt mula sa loob.

Biglang sumulpot sa utak ko ang itsura niya habang nakangisi sa akin kagabi. Gusto kong tanungin kong bakit siya naroroon at kung ano ang ibig sabihin ng dalawang katagang sinabi niya. Pero paano? Kinakabahan ako.

Naalarma ako ng linuhod niya ang isa niyang paa kaya nagkapantay ang mukha namin. Kusang umatras ang mukha ko dahil sa pagkailang. Pero parang wala lang naman sa kanya ang pagkakalapit ng mukha namin.

Nakita kong kumilos ang kamay niya kaya napunta roon ang tingin ko. May kinuha siya sa bulsa niya at niluwa no'n ang isang parihabang pin na naglalaman ng pangalan at seksyon ko. Iyon ang nagsisilibing identification namin dito sa school. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tahimik niyang ipinin iyon sa polo ko sa bandang ibaba ng logo.

"Sana ibinigay mo na lang sa akin," mahinang usal ko pagkatapos.

"Are you ordering me?" Kunot-noong tanong niya.

Tumayo na siya at muling namulsa. Tumayo na rin ako habang kusang kumawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko iyon napigilan. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko at sa wakas nakita at nakausap ko na ulit siya.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon