Kabanata II

213K 8.1K 3.5K
                                    

"A-Anong kondisyon?" Hindi ko maiwasan ang panginginig ng boses. Panginginig dahil sa kaba, at sa isang bagong pakiramdam na lumulukob sa akin na hindi ko mapangalanan.

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Hindi ko maiwasang mapapikit para mas damhin ang haplos niya sa akin. Hanggang sa makaramdam ako ng matigas na bagay na bumubundol sa bandang hita ko.

"You're making him mad, not just mad, but furious."

Napadilat ako. Napakunot ang noo ko at tumabingi ang ulo ko na ngangahulugang hindi ko makuha ang sinasabi niya.

"Huh? W-Wala naman akong ginagalit, a-atsaka wala naman akong kaaway."

Napangisi siya. Akmang magsasalita pa lamang siya nang narinig naming bumukas ang pinto kasabay ng tunog ng mga naghahalakhakang mga lalake.

Sabay kaming napatingin sa pinto. Nanlalaki ang mga mata ko pati na rin ang mga lalake na napatigil mula sa pagtawa. Nagulat sila ng una ngunit maya-maya lang ay napangisi na. Nanunukso ang mga tingin nila sa amin. Uminit agad ang buong mukha ko kaya agaran akong tumayo. Pero pinigilan ako ng kanong ito sa pamamagitan ng paghawak niya ng mahigpit sa bewang ko. Napabalik lang tuloy muli ako sa kandungan niya. Bumalik ang tingin ko sa kanya na binabalewala lang ang mga kaibigan niya na puro lalake na nagsimula nang humanap ng kani-kanilang pwesto sa couch. Ang laki ng pasasalamat ko at binalewala na lang nila kami.

"I'll wait for you in the parking lot after your work later. I'll tell you my condition."

Napalunok ako sa intensidad ng tingin niya. Bakit ba gano'n siya makatingin? Para siyang mananakmal na naghahanap lamang ng tamang oras. Isama pa ang lalakeng-lalake niyang boses, napaka-baritono.

"P-Paano kung hindi ako p-pumayag sa kondisyon mo?"

Nawala ang tingin niya sa akin at napunta sa bandang likod ko. Sinundan ko iyon at nakita ko ang isang lalake na nakikipag-usap sa katabi niyang inuupuan na couch. Namilog ang mga mata ko nang makilala ko siya. Ang may-ari ng bar na ito! Si sir Maxwell!

"Then say goodbye to your job."

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang hininga niya roon. Lalo na nang dampian niya ang parteng iyon ng mababaw na halik.

"O-Okay, basta h-huwag mong sasabihin kay s-sir Maxwell."

Kung ano man ang kondisyon niya, sana ay hindi iyon makakasama sa akin.

"As you wish,"

Tumayo na agad ako pagkatapos ng usapan namin. Hinayaan niya naman ako na pinagpasalamat ko sa loob-loob ko. Pero ang ayaw ko na nangyari ay napunta sa akin ang atensyon ng mga lalake dito pagkatayo ko. Yumuko na lang ako ng bahagya bilang paggalang bago ako nagmamadaling lumabas. Hindi ko na kinuha ang bayad niya dahil halata namang kaibigan siya ni sir Maxwell, at hindi na pinagbabayad ni sir Maxwell ang lahat ng mga kaibigan niya.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwartong iyon ay napakapit agad ako sa aking dibdib. Mabilis at malakas ang tambol ng nasa loob no'n at hindi ko alam kung paano iyon pakakalmahin. Nang mahimasmasan na ako ay bumaba na ako para ipagpatuloy ang aking trabaho.

Buong gabi ay okupado ako. Hindi maalis sa utak ko ang bawat detalye ng mukha niya. And this is bad. Really bad. Mabuti na lamang ay nagawa ko pa ng maayos ang trabaho ko. Pilit ko siyang iwinaksi sa utak ko kahit mahirap. At hindi ko alam kung saang parte ang mahirap sa salitang kalimutan, basta ay hindi ko magawa.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon