Kabanata XXIII

174K 4.3K 1K
                                    

Mabilis at malakas na kumalabog ang puso ko. Parang may nagkakagulo doon, lalo na at nakadikit sa akin ang mga nagsusumaong mata ni Tyler. Gusto kong haplusin ang mukha niya, pero hindi ako makagalaw. Para akong paralisado, ganoon ba talaga kalaki ang epekto ng sinabi niya sa akin? Pero alam ko, hindi lang ang sinabi niya ang may epekto sa akin, kundi yung nagsabi mismo, it's Tyler himself.

Nasira ang pagtititigan namin nang tumunog ang kanyang selpon. Napahiwalay ako sa kanya, ngunit ganoon pa rin ang tibok ng puso ko. Mabilis pa rin at malakas, parang gusto nang kumawala sa dibdib ko. Maang lang akong nakatitig kay Tyler nang kunot noo niyang kinuha ang kanyang selpon, na tila naiinis.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kaya hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa sagutin niya na ang tawag. Ang isang kamay niya ay nakahawak na sa bewang ko ngayon, pinipigilan akong umalis. Habang ang isa ay nakahawak sa selpon na nasa kanyang tenga.

"What do you want?" Malamig na tanong nito sa kausap. Pinagmasdan ko lamang siya, sa pader lang siya nakatingin.

"I'm busy," madiin nitong sabi sa kausap. Sumulyap pa ito saglit sa akin.

"Why don't you just tell me your shit now?!" Muntik akong mapakislot nang sumigaw siya. Kumunot pa ang kanyang noo at bumigat ang paghinga na nangangahulugang galit siya at nagtitimpi.

"Fine! Whatever you say," kunot-noo pa ring sabi nito bago binaba ang tawag. "Fuck." Narinig ko pang bulong nito sa inis. Pero nang tumingin siya sa akin ay nag-iba na ang kanyang ekspresyon, lumambot iyon.

"Sino iyon?" Nagtatakang tanong ko.

Hinapit ako nito palapit sa kanya bago sumagot. "It's Kristoff,"

Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalan pero hindi ko ganoon naaalala. Nang makita niya ang reaksyon ko ay muli siyang nagsalita. "My so-called father," maririnigan ng pait ang pagkakasabi nito.

Naalala ko tuloy ang kinwento sa akin ni Tyron, iyong naging buhay at pinagdaanan ni Tyler, kung bakit ayaw niya sa kanyang ama. Hindi ko alam kung alam ba ni Tyler na alam ko na ang tungkol doon. Hihintayin ko na lamang ang panahon kung kailan handa na siyang buksan ang tungkol sa nanay niya sa akin... Kung sakaling magkasama pa nga ba kami sa panahong iyon.

"Anong sinabi niya?" Usisa ko. Sana lang ay huwag siyang magalit sa pagtatanong ko.

"He wants me to come over to his mansion. He said he has an important word for me." Masama ang timplang wika nito. Humigpit pa ang hawak niya sa aking bewang. Kaya para pakalmahin siya ay hinaplos ko ang kanyang braso, dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya bago sumagot, "I have no choice. We need to go to his mansion right now."

"We?"

"Yes, we. You're coming with me,"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon