Kabanata XLVI

163K 4.9K 1.8K
                                    

Inipon ko lahat ng lakas ko, saka ko buong lakas na inapakan ang paa niya. Sinakto ko talaga ang takong ng aking sapatos sa paa niya dahilan para mabitawan niya ako at mapasigaw sa sakit.

"Shit!" He cursed.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para abutin ang doorknob. Pero hindi ako nagtagumpay nang hilahin niya ang braso ko at tinulak sa kama. Dahil malapit lang iyon ay napasalampak ako sa malambot na kutson habang siya ay nakasandal sa pinto at ininiinda ang sakit ng paa.

Nanlilisik ang mga mata ko siyang tinignan. Pero natigilan ako nang makitang nasaktan talaga siya. Napaiwas ako ng tingin.

I shouldn't feel guilty dahil kasalanan niya naman kung bakit ko ginawa iyon. Pero nang makita ko kung gaano namumula ang paa niya ay napakagat ako sa aking labi. Nakapikit na siya habang nakasandal pa rin sa pinto.

Alam kong dapat kinukuha ko na ang pagkakataon na 'to para labanan siya ngayong lubos siyang nasasaktan, pero hindi ko alam kung bakit tila ngayon pa ako naparalisa.

Lumunok ako at pinilit ang sariling tumayo. Dahan-dahan siyang napadilat at kaagad dumapo sa akin ang asul niyang mga mata. Wala nang galit na makikinita roon, tanging pagod na lamang.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naalerto siya at kaagad umayos ng tayo pero hindi niya kinaya at muli siyang napasandal sa pinto. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay imbis na itulak siya palayo ay lumuhod ako at marahang hinawakan ang talampakan ng paa niyang namumula.

Muli kong nakagat ang labi ko. The injury looks awful. Namumula na iyon ng sobra na parang nagpuntahan na doon ang lahat ng kanyang dugo.

Bumuntong hininga ako at muling tumayo. Kinuha ko ang kanang braso niya at iniakbay sa akin, bago ko siya inalalayan paupo sa kama. Ngayon ako nagpapasalamat na maliit lang ang kwarto kaya halos ilang hakbang lang ang pinto sa kama at hindi ako mahihirapan ng husto sa pag-alalay sa kanya.

Habang ginagawa iyon ay pinigilan ko ang sariling tumingin sa kanya dahil ramdam ko ang malalim niyang pagtitig sa akin, para bang hindi niya naiintindihan kung bakit ko ginagawa ito. Napabuga ako ng hangin. Kahit ako, hindi ko rin maintindihan.

Nang marating namin ang kama ay maingat ko siyang iniupo roon. Doon ko lang napagdesisyunang tumingin sa kanya na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

"I'll call someone to help you." Iyon lang ang sinabi ko at tumalikod na.

Ngunit mabilis pa sa alas kwatrong hinuli niya ang braso ko.

"Please don't go..."

Marahas akong napabuga ng hangin bago siya hinarap.

"Sila na ang mag-aasikaso sayo."

Humigpit ang kapit niya sa akin. Tumingin siya sa akin ng nagsusumao. Huminga ako ng malalim. Eto na naman ang mga mata niyang nakikiusap. Eto na naman ang mga labi niyang makikiusap at pupunuin ang tenga ko ng mga kasinungalingan.

"Baby plea--"

"Oh come on, Tyler!" Napapitlag siya sa biglaan kong pagsinghal. "Stop with the fucking drama, will you?! Stop with the fucking begs and lies! I'm sick of you acting like a brokenhearted man when in fact, you're actually the happiest man on Earth!"

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon