Kabanata XLIII

159K 5.6K 2.2K
                                    

I firmly closed my eyes and harshly shook my head.

No, he's not into me. Pinagti-tripan niya lang ako. Know the difference, Zarina.

I can't help but to grit my teeth as I exit the hall. Ang sinakyan ko na lamang ay iyong isa pang elevator dito, good thing meron pa at wala ring gumagamit kaya mag-isa lamang ako sa loob.

Sumandal ako sa metal na dingding nang magsimulang umakyat ang elevator at nagpakawala ng malalim na hininga. I am not affected by him. Normal lang namang makaramdam ng galit kapag nakita mo ang taong nanakit sayo, hindi ba? I've moved on completely. But that doesn't mean I have forgiven him completely as well. I just chose to forget him, not forgive. I still can't accept the fact that he was the reason why my little angel died.

Tumunog ang elevator kaya lumabas na ako at dumiretso sa aking silid. Mabilis akong naghubad para maligo at makatulog na. Because for now, sleep will serve as my escape.

The next day, I decided to roam around the area. Maaga akong nagising kaya wala pang gaanong tao nang lumabas ako ng aking silid maging dito sa may dalampasigan.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang kabuuan ng resort. Maganda ang paligid, marahil ay dahil sa mga puno ng niyog na nakalinya sa lugar, pati na rin ang puting buhangin na binabagayan ang bughaw na karagatan. May mga restau rin sa paligid, may net para sa mga gustong mag-volleyball, pati bars na open ang counter ay mayroon, even pools.

Doon na ako sa isang restaurant dumiretso para kumain ng umagahan. Hindi ako nakakain ng dinner kagabi kaya hindi ko na mahihintay si Dark. I'm starving.

Umupo ako sa pwesto kung saan kitang-kita ang senaryo sa labas. Kaagad namang nagtungo ang isang waiter sa akin para bigyan ako ng menu. Pagkatapos kong umorder ay agad din itong umalis.

Tahimik lamang akong nakatingin sa labas nang biglang may umupo sa harap ko.

Pagkakita ko kung sino iyon ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

"Tadhana nga naman, ikaw pala iyong matagal nang hinahanap ni boss." Naiiling na wika ni Kiv habang nakakrus ang mga braso.

Tumaas ang isang kilay ko. "What do you need?"

"Don't be too harsh on me please. I really came here because I thought about your offer."

Umayos ako ng upo. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na ang puno't dulo ng pagpunta ko rito sa Pilipinas ay ang makumbinsi ang lalakeng ito.

"Pumapayag ka na ba?"

"Woops, not too fast madame. Noong una, hindi ba ang kondisyon ko sayo para mapapayag ako sa alok mo ay ang hanapin mo ang isang manunulat, which turned out na ikaw pala. Pero dahil nahanap ka na namin, iibahin ko na ang kondisyon."

Sumama ang tingin ko sa kanya. Is he being ordered by his boss? Again?

"Siguraduhin mo lang na maayos ang alok mong 'yan."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon