Kabanata VII

204K 8.3K 2.7K
                                    

Tila sirang plaka na umulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. G-Girlfriend? Oo nga't tama siya, kapag girlfriend niya ako ay magiging parte na ako ng buhay niya. At ng sa gayon, matutuklasan ko na kung bakit siya ganito. Kahit na ipinapakita niya sa akin na isa siyang misteryosong lalake, alam kung mayroon siyang pilit na iniinda. Nakita ko iyon mula sa mga misteryosong mata niya. Sabi nga nila, In every mystery, there's a history. And I want to know that history. Pero ang maging girlfriend niya? Hindi ko na alam. Ibang usapan na iyon.

"P-Pag-iisipan ko," iyon ang tanging nasabi ko sa kanya.

Tumiim ang bagang niya pero umayos na rin naman siya ng tayo kaya nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko makayanan tuwing lumalapit siya ng ganoon sa akin.

"Follow me," aniya at nagsimula ng maglakad. At dahil utos niya ay sinunod ko siya.

Malaki ang pasasalamat ko dahil oras ng klase ngayon kaya halos walang mga studyante na pakalat-kalat sa labas. Sikat ang kasama ko sa eskwelahang ito, at ayokong masangkot sa kahit anong isyu. Ngayon pa nga lang kinukutya na nila ako dahil sa estado ko sa buhay, paano pa kaya kung nalaman nilang may koneksyon ang kilala nilang dukha sa pinakamamahal nilang si Tyler? Hindi magiging maganda iyon.

Nagtungo kami sa locker room. Kinuha niya ang kanyang polo shirt sa kanyang locker bago iyon sinuot. Pinatong niya na lang iyon sa suot niyang shirt, ni hindi na nga siya nag-abala pang ibutones ang mga iyon at nagsimula na muli siyang maglakad. Nasa likod niya lang ako at nakasunod sa kanya dahil meron pa ring mangilan-ngilang estudyante sa labas na mamaya pa ang simula ng klase.

Nagulat ako sa tinigilan naming kwarto. Ito iyong klase ko kung saan hindi kami pinapasok ng guro kanina. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Axle. Pero bigla ko ring naalala ang sinabi ni Tyler kanina. Ayaw niyang makitang may kasama akong ibang lalake. Siguro kahit si Axle ang unang nagpakita ng kabaitan sa akin sa paaralang ito ay mas mabuti kung iwasan ko na lang din siya, iwas gulo. Baka madamay pa siya sa hindi mabasang ugali ni Tyler.

Walang katok-katok na binuksan ni Tyler ang pintuan. Napalingon sa amin ang nagtuturong guro. Noong una ay nakakunot ang noo nito pero nang makilala si Tyler ay biglang umaliwalas ang mukha nito at ngumiti. Hindi ko maiwasang mapasimangot. Perks of being a superior human.

Pumasok na si Tyler at dahil nga sa utos niya kanina ay sumunod pa rin ako sa kanya. Napatigil lamang ako nang sitahin ako ng guro.

"You! Get out of my class!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko, lalo na ng marinig ko ang nanunutyang tawa ng mga studyante. Ang iba ay pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ay unti-unti na rin akong nasasanay sa uri ng pagtingin at pagtrato nila sa akin. Tumalikod na ako at aalis na sana nang umalingawngaw ang isang baritonong boses sa buong silid.

"Didn't I told you to follow me, Zafina?"

Nakagat ko muli ang ibabang labi ko nang marinig ko ang pagsinghapan ng iba. Unti-unti akong humarap mula sa pagkakatalikod. Nabungaran ko ang nakangangang mga kaklase ko kaya napayuko ako bago naglakad patungo kay Tyler at umupo sa bakantang upuan sa tabi niya.

Makalipas ang sandali ay tumikhin ang guro bago ito nagpatuloy sa pagtuturo. Nauutal pa siya noong una, hindi ko alam kung dahil ba sa gulat, kaba, o takot. Ang alam ko lang ay ang nakamamatay na tingin na pinupukol ng mga babaeng kaklase ko sa akin.

Lumipas ang mahigit isang oras nang matapos ang klase. Tumayo na si Tyler at dire-diretsong lumabas. Nagmamadali ko namang inayos ang mga gamit ko bago ako tumakbo palabas para mahabol si Tyler. Pero hindi ko na siya maaninag pa, marami-rami na rin kasi ang mga tao sa labas kaya marahil ay natabunan na siya ng mga ito.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon