Kabanata XVII

179K 6K 1.1K
                                    

Nagising ako na kumikirot ang aking ulo. Napasapo ako sa aking sentido dahil sa pagpintig no'n sa sakit. Napangiwi ako habang dahan-dahang dumidilat. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang sa hindi pamilyar na kwarto ako nagising.

Napabalikwas ako ng bangon. Tanging ang lampara lamang sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong lugar, pero malinaw na malinaw sa akin na hindi ko alam ang kinaroroonan ko. Aalis na sana ako ng kama nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalanan ng malay. Kumabog ang aking dibdib. Si Tyler. Dinakip niya ako. Dinagsa agad ako ng kaba.

Akmang bababa na ako ng kama nang makarinig ako ng tunog sa isang sulok ng kwarto. Napatingin ako roon at mas lumala ang takot na nararamdaman ko. Lumabas mula sa dilim si Tyler na parang kanina pa niya ako pinagmamasdan. At kung ano ang itsura niya noong nakita ko siya sa kakayuhan ay ganoon din ang nasisilayan ko ngayon.

Madilim ang mukha, nagtatagis na bagang, nanginginig na mga muscles, at namumuti na mga kamao dala ng mahigpit na pagkakakuyom. Napaatras ako sa headboard. Hinila ko rin ang kumot para ipantakip sa aking katawan.

"How are you after three days of running?" Sarkastiko nitong tanong. Nanginig ang aking labi. Nagsimula siyang lumapit sa akin. Napahigpit ang kapit ko sa kumot.

"Were you happy the last three days?" Tumigil siya nang marating niya ang dulo ng kama. Binagsak ko ang tingin ko sa kumot dahil hindi ko na nakayanan pang salubungin ang kanyang mga mata dahil sa intensidad ng paninitig niya.

"What were you thinking, Zafina? That I'll let you go that fast?" Mas lumapit siya sa akin. Ngayon ay nasa gilid na siya ng kama at isang hablot niya lang sa akin ay siguradong mapagtatagumpayan niyang gawin. Mariin akong pumikit. Pilit tinataboy ang takot na kasalukuyan nang linalamon ang buong pagkatao ko.

"N-Nasaan ako?" Nagawa kong itanong nang kahit papaano ay nakahagip ako ng lakas ng loob.

Dumilat ako at halos manginig ang aking katawan nang umupo siya sa gilid ng kama. Inangat niya ang isa niyang kamay at masuyong hinaplos ang aking buhok. Pero ganoon pa rin ang mga mata niya, malamig pa rin at walang emosyon.

"I want to get mad at you, I want to punish you badly. But I just can't." Binalewala niya ang tanong ko.

"Nasaan ako?" Pag-uulit ko at tumingin na muli sa kanya. Binaba niya ang kanyang kamay na kanina ay humahaplos sa aking buhok bago ako tinignan ng mariin sa mata.

"We're in a place where no one can disturb us." Mas lalo akong nahintakutan. Hindi pwede.

"P-Pakawalan mo 'ko," lumambong ang aking mga mata habang iniisip ang mga pwedeng mangyari kapag kinulong niya ako. Pero taliwas no'n ang naging reaksyon niya, nag-igting ang kanyang mga panga dahilan para umiwas ako ng tingin.

"You won't like me when I'm mad, Zafina."

Napayuko ako. Oo, alam ko. Naranasan ko na ang bagsik ng galit niya noon. Masyadong matindi, hindi ko alam kung kakayanin kong gawin niya ulit ang bagay na iyon sa akin. Hindi niya naman siguro uulitin iyon, hindi ba?

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon