Kabanata X

197K 7K 2.3K
                                    

Nanghihina man ang katawan ko ay pilit akong tumango kay Jamaica. Napatigil naman siya sa paghinga.

"H-Hindi mo ako i-isusumbong?" muli lang akong tumango sa kanya. Doon siya tumayo at nagmamadaling tumakbo paalis.

Nanghihina akong napasandal sa malamig na pader ng banyo. Hindi pa tuluyang nagpro-proseso sa utak ko ang nangyari. Pero alam ko ang dapat kong gawin. Kailangan kong komprontahin si Tyler. Kailangan ko siyang komprontahin nang hindi niya nalalaman na nagkausap kami ni Jamaica.

Tumingin ako sa salamin at inayos ang aking sarili. Mabuti na lang at hindi naman ganoon nagmarka ang pagsampal sa akin ni Jamaica. Pagkatapos ay lumabas na ako at nagpunta sa aming klase. Umupo ako sa tabi ni Tyler na parang walang nangyari.

Lutang ako sa buong pagtuturo ng guro. Lumilipad ang utak ko, kating-kati ako para malaman kung ano nga ba talagang nangyari. Kung pwede ko lang deretsohin si Tyler ng tanong ay gagawin ko, pero pumapaulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Jamaica, ang hiling niya na wala dapat malaman si Tyler na may alam na ako. Kaya nang magtanghalian ay napagdesisyunan kong magpaalam kay Tyler.

"Uh, Tyler, hindi ako makakasabay sayong kumain." Tumingin ito sa akin. Wala siyang ekspresyon pero alam kong ang tingin niyang iyon ay nagtatanong ng bakit. Kahit papaano ay unti-unti ko na rin siyang nakikilala ng lubusan. "Uhm, gusto ko kasi sanang malaman iyong lagay nina a-auntie k-kaya, uh, pupunta ako sa kanila."

Gaya ng inaasahan ko ay nagsalubong ang kilay nito. Dalawa lang kami sa silid ngayon dahil naglabasan na ang iba para kumain.

"You still care for them? After all they've caused you?" Kunot noong tanong nito.

"G-Gusto ko lang naman malaman kung ayos lamang ba sila."

Tumitig ito sa akin. Kahit nagsisimula na akong mamawis sa kaba ay pinilit kong labanan ang kanyang titig. Ang totoo, ay wala naman na akong pakialam kina auntie, sinong hangal ang magmamalasakit sa taong inaapi sila? Pero hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na pamilya pa rin sila ni tatay. Huminga ng malalim si Tyler na parang wala na itong mapagpipilian.

"If that's the case, then I'll just be the one to tell you their current condition,"

Lihim na nagdiwang ang loob-loob ko. Gumana ang plano ko. Alam kong iyon ang idedesisyon ni Tyler dahil alam ko namang hindi niya na gugustuhin pang bumalik ako sa bahay na iyon. Napakalaki ng galit niya kay uncle para payagan akong makipagkita sa pamilya nito.

"Your cousin and aunt are grieving for your uncle's imprisonment."

Natigilan ako, napigil ko ang aking hininga. Hindi ko pa rin napigilan ang magulat kahit na sinabi na iyan ni Jamaica sa akin kanina.

"A-Ano? P-Paanong...?"

Hindi ako makabuo ng pangungusap. Naghalo-halo na ang mga tanong sa utak ko at hindi ko alam kung alin ang uunahin doon.

"I filed a case, now he'll spend the rest of his life in jail."

"P-Pero... B-Bakit mo ginawa iyon?"

Pumikit siya ng madiin at huminga ng malalim. "Isn't it obvious to you, Zafina? He attempted to rape you, that's enough for him to be imprisoned."

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon