Kabanata VI

204K 10.3K 3.7K
                                    

Umupo ako mula sa pagkakahiga at tinakpan ang katawan ko. Nakayuko ako at gusto kong mapaiyak sa hiya. Lumabas na isa akong babaeng madaling bumigay. Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ba itong pinagagagawa ko? Wala akong balak alisin ang dangal ko sa akin. Pero sa ginagawa kong katangahan, ay unti-unti ng nawawala iyon sa akin. Pero hindi, hindi maaari. Kailangan kong matutong pigilan ang sarili ko. Kahit na parang tila lagi niya akong ginagayuma dahil kusang sumusunod ang sarili ko sa kanya.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo si Tyler. Nagtungo siya sa isang pinto rito sa kwarto na sa tingin ko ay banyo. Hindi ako nagkamali nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig mula roon. Ilang minuto siyang nalagi roon nang muli siyang lumabas. Lumapit siya sa akin at nanigas ako nang hawakan niya ang magkabila kong balikat. Pinatayo niya ako na siya namang sinunod ko.

"You should take a bath,"

Inalalayan niya ako patungo sa loob ng banyo. Nakita ko ang bathtub doon na punong-puno ng bula. Ito pala ang ginawa ni Tyler dito kanina.

Napatingin ako sa baba nang niluhod ni Tyler ang isa niyang paa. Inalis niya ang sapatos ko, sinunod niya rin ang medyas ko. Hinayaan ko lang siya pero namilog na ang mga mata ko nang hawakan niya ang zipper sa gilid ng palda ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.

"K-Kaya ko na Tyler, sa tingin ko mas mabuti kung l-lumabas ka muna." Tumayo siya at namulsa.

"I'll bath you," seryosong deklara niya. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. "Get naked. I'll be right back." Hindi niya na ako hinintay pang makapagsalita at lumabas na siya agad.

Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi alisin ang lahat ng saplot ko sa katawan. Inilagay ko iyon sa basket na nasa gilid bago ako dahan-dahang sumampa sa bathtub. Naramdaman agad ng katawan ko ang maligamgam na tubig kaya napapikit ako. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Limang minuto akong ganoon nang bumalik si Tyler.

Napadilat ako at nakitang naglalakad siya papalapit sa akin. Umayos ako ng pagkakahiga at siniguradong natatakpan ng bula ang buo kong katawan. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na maraming sachet ng shampoo at conditioner. Bumalik din ang tingin ko sa mukha niya habang nilalapag niya ang mga sachet sa gilid. Nakita kong may pawis na tumutulo sa sentido niya. Napatagilid ang ulo ko sa pagtataka. Mukhang bumaba pa siya para bumili ng ganoon sa isang convenient store. Sinupil ko ang aking ngiti na gustong lumabas.

"Turn around," biglang sabi niya. Nagtataka man ay dahan-dahan akong tumalikod.

Mula sa gilid ng mata ko ay kinuha niya ang shower na de-tanggal sa gilid bago iyon binuksan. Itinapat niya iyon sa buhok ko kaya napapikit ako. Sunod na narinig ko ay ang pagkapunit ng isang sachet, bago ko naramdaman ang kamay niyang dumampi sa buhok ko.

Napakagaan ng kamay niya, parang natatakot na masaktan ako. Humagod-hagod ang kamay niya sa buhok ko. Napapikit ako nang dahil doon kasabay ng pagsalakay ng mga katanungan sa utak ko.

It's pretty obvious that Tyler is serving me. At napakalaking misteryo noon para sa akin. Hindi ba dapat siya ang pinagsisilbihan ko? Pero bakit bumaliktad? Bakit niya ako pinagsisilbihan na tila isa aking prinsesa? Na umabot pa sa puntong kailangan niya pa akong paliguan? Bakit niya ito ginagawa?

Binanlawan na ni Tyler ang buhok ko. Sunod niya namang binuksan ang conditioner at iyon naman ang pinahid niya sa buhok ko. Pinaglaruan ko na lang ang mga bula na nakapaligid sa akin.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon