Kabanata XLI

153K 5.5K 1.6K
                                    

Hindi ko alam kung paano ako matiwasay na nakabalik sa condo ni Dark. Sa buong oras ay lutang lang ang diwa ko. Kahit sa pag-upo ko sa sofa dito sa sala ay tila wala pa rin ako sa aking sarili.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang gusto ko lang naman ay mapapayag ang Silvestre na iyon sa aking inaalok. Hindi ko inaasahan na aabot sa puntong may malalaman akong gigimbal sa pagkatao ko.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Should I leave now? Should I just come back to U.S? Tutal noong naroon pa ako ay wala silang nakukuhang impormasyon patungkol sa akin. Nasagap lang nila ako nang bumalik ako rito sa Pilipinas. Am I not safe here anymore?

But wait... Speaking about that thing... Kiv Silvestre mentioned that there's something blocking their source, making it difficult for them to find me.

Ibig sabihin... May pumo-protekta sa akin? At alam ng taong iyon na pinaghahahanap ako rito sa Pilipinas? Kung ganoon, sino siya?

Napatakip ako sa aking mukha gamit ang aking dalawang palad habang ang dalawang siko ko ay nakatukod sa magkabilang tuhod ko. I'm so confused... and terrified at the same time.

Hindi ko alam ang gagawin. Nang dahil lang sa storyang isinulat ko, nagkaganto-ganto na ang lahat. What should I do?

Bigla akong natigilan nang makaisip ng paraan. What if I'll just delete it?

I quickly took out my phone and opened the writing application where my story is located. Walang pagdadalawang-isip ko iyong binuksan. Pero nang akmang buburahin ko na ang istorya kong iyon ay huminto sa ere ang aking daliri.

Will there be a change if I would delete this story? Hindi na ba ako hahanapin pa ng taong iyon kung gagawin ko ito?

I inhaled deeply, instead of pressing the delete button, I chose to scroll the screen first. Tinitignan ko lamang ang bawat kabanata ng aking istorya na may mga marami ng basa at komento. Hindi ko alam na aabot ito sa ganito karaming mambabasa. At hindi ko rin alam na may magagalit sa istorya kong ito, oo nagagalit, iyon lang naman kasi ang naiisip kong paraan kung bakit ako pinapahanap ng kung sinoman.

Bumuga ako ng hangin. Tutal wala naman na akong balak ipagpatuloy pa ang istoryang ito, mas mabuti na lang siguro kung buburahin ko na lang.

Akma ko na iyong gagawin pero nanigas ang daliri ko nang may mapansin ako sa bandang huling kabanata ng storya ko. Napakurap ako sa aking nakikita. Binuksan ko pa ang pinakahuling kabanata para makumpira kung tama ba ang nakita ko. At hindi nga ako nagkakamali. Paanong...

Oh my, God. Paanong nabura ang halos mahigit anim na kabanata dito? At nang aking tignan, napag-alaman kong nagsimulang mawala ang mga kabanata noong sinabi ko na kapatid ko si Dark. Wala na ang kabanata kung saan ibinunyag ko na magkadugo kami ni Dark. Pati ang mga sumunod na kabanata roon ay wala na, nabura na... How...?

Paano nangyaring nabura ang nga iyon?! Dito lang naman sa cellphone ko nakalagay ang account kong ito. Paano ito mabubura? May nang hack ba sa account ko? Kung ganoon, bakit niya binura ang mga kabanatang iyon?

"Light..."

"Shit!" Hindi ko napigilan ang mapamura nang may biglang magsalita sa likod ko.

Mabilis akong napalingon at nakita si Dark na may hindi maipaliwanag na ekspresyon.

"D-Dark! K-Kanina k-ka pa ba dyan?" Kandautal-utal kong tanong.

Sumulyap siya sa aking hawak ko pa ring cellphone kaya agad kong pinatay ang screen no'n.

Nakita niya kaya iyon? Pero hindi niya naman siguro alam ang aplikasyon na iyon, diba?

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon