Kabanata XVI

187K 6.2K 1.1K
                                    

"Here's their address,"

Nagpasalamat ako sa babae nang iabot niya sa akin ang piraso ng papel. Naglalaman iyon ng address nang papasukan kong eskwelahan sa ibang bansa.

Narito ako ngayon sa Smith University at hindi nga ako nagkakamali, alam nila ang tungkol sa pag-alok sa akin ng isang malaking eskwelahan na konektado nga talaga sa kanila. Hindi lang iyon ang nalaman ko, ang eskwelahan palang iyon ay ang pinaka-main ng Smith University. Na nangangahulugang, ang mga Smith din ang may-ari no'n. Hindi ko iyon alam dahil initials lang ng pangalan ng eskwelahan ang nakalagay sa sulat na pinadala sa akin.

Bumuga ako ng hangin. Anak si Tyler ng mga Smith, siguro kahit na gano'n, wala naman siguro siyang karapatan para ipakansela ang alok sa akin, hindi ba? Nakagat ko ang aking labi. Oo, tama, wala siyang karapatan. Dahil kung meron, hindi niya na dapat ginawa pa ang ginawa niya kagabi sa akin. Dapat ay pinakansela niya na lang ng walang kahirap-hirap kung talaga ngang may karapatan siya.

Gumaan ang loob ko kahit papaano. Ngayon, ang huli kong dapat gawin ay ang sulatan pabalik ng sulat ang Smith University - United States, Inc., o mas kilala bilang S.U.U.S.

Binulsa ko ang address at sumakay ng jeep patungo sa bilihan ng mga kagamitang pang-aral. Hindi ganoon kalala ang trapiko kaya madali lang akong nakarating. Pumasok ako sa bookstore at naghanap na ng sobre at papel na gagamitin ko sa pangsulat. Akmang kukuha na ako no'n nang mapatigil ako.

Lumingon ako dahil sa pag-aakalang may sumusunod sa akin pero wala naman. Napakunot ang noo ko, parang naramdaman ko kanina na may nagmamatyag sa galaw ko. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Napa-praning lang siguro ako.

Kinuha ko na ang aking mga kailangan at nagtungo sa cashier para magbayad. Naramdaman ko na namang may nakatitig sa akin kaya nilibot ko ang aking paningin. Wala naman akong nahuling nakatingin sa akin o ibang kakaiba. Gayunpaman ay lunakas ang tibok ng aking puso. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Pagkatapos kong magbayad ay dali-dali na akong umalis. Nagtungo ako sa café kung saan kami madalas nagkikita ni Enayis. Doon ko ginawa ang sulat ko. Ngunit habang gumagawa ay hindi ko mapigilang mapaisip, sinabi sa akin ni Enayis na baka gawin sa akin ni Tyler ang ginawa sa kanya ni Chase. Ibig sabihin ba ay... G-Ginawa na rin nila iyon ni Chase?

Oo, malamang, iyon nga ang sinabi niya sa akin. Kaya may nangyari na nga sa kanila, ginawa sa kanya ni Chase ang ginawa sa akin ni Tyler. At dahil iyon sa rekomendasyon ng kanilang mga kaibigan. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Nababaliw na ba sila? Hindi ko talaga makuha ang klase ng pag-iisip ng mga iyon.

Pero kahit na ganoon, hindi ako nagsisisi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil gusto kong may baon akong pinaka-espesyal na alaala namin ni Tyler pag-alis ko, at iyon ay ang katotohanan na siya ang nakauna sa akin.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napalunok ako, bawat detalye ay naaalala ko, saulong-saulo ko, at hinding-hindi ko yata iyon makakalimutan. Pinagkrus ko ang aking mga binti nang may naramdaman akong kakaiba sa aking sentro ng mga hita. Masakit pa rin iyon pero hindi ko alam kung bakit parang namamasa iyon ngayon. Binatukan ko ang sarili ko sa aking isip. Hindi tama itong nararamdaman ko. Nababaliw na rin yata pati ako.

Bigla akong napahawak sa impis kong tiyan nang maalala kung bakit iyon ginawa ni Tyler. He wants me to be pregnant. Hindi naman siguro ito magkakalaman ng isang beses lang, hindi ba? Pero paano kung magkalaman nga? Anong gagawin ko? Napadiin ang kagat ko sa aking labi. Kung sakaling mangyari iyon, ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral sa S.U.U.S. Pwede ko naman ipagpatuloy ang pag-aaral kahit nagdadalang-tao ako. Pero sana, wala kaming nabuo sa isang gabing pinagsaluhan namin, sana.

Under His SpellWhere stories live. Discover now