Kabanata V

203K 11.3K 3.6K
                                    

Tyler is, somehow, a good man. Ngayon ko lamang iyon napagtanto. He's cold, mysterious, intimidating, and also manipulative. But behind those characteristics is a sweet and caring man. Patunay doon ang pagsalo niya ng mga tulak sa mall na dapat ay sa akin. At hindi niya naman ako bibilhan ng mga mamahaling damit kung walang kabutihan sa puso niya.

Speaking of clothes... Nanlaki ang mga mata ko. Nakalimutan ko sa kotse ni Tyler iyong dalawang paper bag na naglalaman ng susuotin ko raw bukas! Napasapo ako sa noo ko. Bakit ko ba nakalimutan iyon? Nevermind, babalik nga naman pala si Tyler dito ng hating gabi. Hindi na muna ako papasok sa bar na pinapasukan ko. Hindi pa naman ako nangangapos sa pera kaya ayos lang.

"Malandi ka!"

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay nina auntie nang may humigit na agad sa buhok ko. Hindi ko na kailangan tignan kung sino ang may gawa no'n.

"Akala mo hindi kita makikita sa school? Talagang doon ka rin nag-aral haliparot ka! Para ano? Para akitin si Tyler Smith?! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!"

Nagulat ako sa narinig ko. Pero agad akong napangiwi nang mas higpitan niya ang pagkakasabunot sa buhok ko. Ang sakit!

"Hindi mo siya maaakit! Dahil ako lang ang makakaakit sa kanya! Akin lang siya! Akin lang!"

Sinampal niya ako. Muntik na akong matumba kung hindi niya lang hawak ang buhok ko. Pumikit ako ng madiin para mainda ang sakit. Parang maaalis na ang mga buhok ko sa aking anit sa higpit at pwersa ng pagkakasabunot niya sa akin!

"M-Mali ka ng iniisip, Jamaica!" Sinubukan kong magpaliwanag sa gitna ng panginginig ko. "Hindi ko inaakit si Tyler, m-maniwala ka!"

Pero bilang siya ay hindi niya ako pinakinggan. Mas hinila niya pa ang buhok ko. Pero hindi ko hinayaang may pumatak na luha sa mga mata ko. Hinding-hindi ako iiyak dahil lang sa inaapi ako. Kailangan kong maging matatag, iyon ang hulong bilin sa akin ni tatay bago siya mawala.

"Diyos ko! Anong nangyayari dito?!"

Dumagundong ang dibdib ko nang marinig ko ang sigaw ni auntie. Alam kong mas maaapi na naman ako. Kahit kailan naman ay hindi ako kinampihan ni auntie kahit alam niyang mali ang anak niya.

Pabalya akong tinulak ni Jamaica kaya lumagapak ako sa sahig, bago niya ako dinuro-duro gamit ang kanyang hintuturo.

"Iyang malanding 'yan ma! Inaakit niya si Tyler! Para yumaman siya tsaka niya tayo paghihigantihan!"

Tumayo agad ako kahit umiikot ang paningin ko. Pilit kong binalanse ang sarili ko.

"H-Hindi po iyon totoo, auntie!"

"Eh anong pinapalabas mo? Na sinungaling ako?!"

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Jamaica. Siya naman ay nagsimula ng umiyak. Hindi ko mapigilang mapamura sa utak ko. Ngayon siya ang lumabas na kawawa at ako ang nagsilbing kontrabida dahil sa ginagawa niyang paghagulgol. Yumakap pa siya sa gilid ng nanay niya na para bang naghahanap ng kalinga ng isang ina. Wala sa sarili kong naikuyom ang kamao ko.

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon