Chapter 7

264 18 4
                                    

Sorry

Cain

"Ay, sus. Kung maka-porma parang hindi kaibigan. Level-up na ba?"

I glared at Lucciana who was grinning from ear to ear. She's been annoying me ever since she knew about my fondness with Mara. That woman who never even give me a glance when I'm trying to impress her everytime.

"Kahit sa Cebu susundan mo. Lakas ng tama mo--"

Natahimik siya nang umamba akong lapitan siya. Minsan talaga ay nakakalimutan niyang mas matanda ako sa kaniya.

"Asar ka lang, eh!"

Natatawa niyang sigaw saka nagtatakbong pumunta sa sariling kwarto. I just rolled my eyes and went on with my business. I heave a sigh, trying to calm the nerves in me.

"Hindi mo ba siya bibigyan ng flower? Girls in my school receive flower whenever boys court them."

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Constanza. If her twin, Lucciana, was the most annoying, she's the the most dependable person. Kaya lang, nasisiguro kong ayaw ni Mara ng atensyon mula sa public so I'd rather give her flowers when it's just the two of us.

Hindi na lamang ako umimik saka tinanguan lang ang kapatid. She's really silent most of the time kaya hindi ko siya gaanong nakakausap. Lucy, on the other hand pushes all the buttons that we always end up arguing. Minsan ko na rin siyang nahampas sa braso dahil sa inis pero nakatanggap naman ako ng sampal mula kay Dad. It's just so unbelievable! Hindi naman ako ang nang-aasar sa kaniya.

"Ingat ka sa biyahe, kuya."

"Salamat, Ann."

I walked downstairs and was greeted by the frowning twelve-year old Matias. Hindi yata ako napansin kaya muntik na niya akong mabangga.

"Sorry, kuya." Saad niya saka tumagilid para padaanin ako. His aura looked exactly like Kuya Dante. Minsan lang din kung magsalita, parang may sariling mundo.

"It's okay. May lakad ka?"

Umiling siya saka nagpatuloy sa paglalakad. I pursed my lips. I sometimes wonder if Lucciana was just adopted because she's the only sibling who's got the nerve to ruin my mood. At sobrang talkative pa.

Napapikit nalang ako at inabot ang car keys na nasa mesa. Nagulat nalang ako nang makita ko si Kuya Dante na patakbong tinungo ang front door. Nang sundan ko siya ay nakasakay na siya sa kaniyang BMW at pinaharurot ito.

When I was already inside my car, I called Mara's number pero hindi siya sumasagot. My forehead ceased. I called their house number and I was instantly greeted within three rings.

"Limpoco Residence, Talia speaking, how may I help you?"

"Ate?"

"Sino po ito?"

I cleared my throat before answering.

"Si Cain po, kaklase ni Lim-- Maria Asuncion. Andyan po ba siya?"

"Ay, sir Cain, kanina pa po nakaalis. Hinatid ng Daddy niya sa school."

Nalaglag ang panga ko. I thought we're going to school together? May usapan kami, ah.

"Sige po, maraming salamat."

"Sige, hijo."

The line ended and I instantly turned on the engine. That woman is gonna be the death of me.

Nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Kuya na papalabas pa lang ng villa, kasunod ang isang kotse na palabas na. It looked like private cars are everywhere. Parang lahat ay nagsilabasan. Hindi na rin ako magtataka kasi according to DepED, Christmas Party should be done today. At halos lahat yata ay papunta rin sa mall kaya medyo traffic na talaga kahit hindi pa nagbubukas.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now