Chapter 2.14

271 11 0
                                    

Scared

Everything happened so fast. Ang alam ko lang ay nasa Acosta na ako, sa bahay ni Dad kung saan nadatnan ko si Constanza na nag-aaral.

Hindi maitatanggi ang gulat sa kaniyang mukha nang makita akong may dalang bata. Nataranta rin siya sa kung ano ang dapat na gawin o kung may dapat ba siyang sabihin.

"Anak mo?!"

Pumikit ako at tumango. Pinasadahan ko ng mga daliri ang aking buhok at mahigpit itong hinawakan.

We were now sitting across each other. Weighing the silence with intensity of pressure.

Lucciana went downstairs, unlike before, she looked dull and emotionless. Halos hindi ko na makilala ang sariling kapatid.

"What's going on here?" tanong niya sa mababang boses. Pinasadahan ng tingin ang bata na ngayo'y kandong ko.

Nanliit ang kaniyang mata, tila naninimbang.

"Ano... sino siya?" naguguluhan niyang tanong. Naubusan ng dugo ang mukha, tila takot sa nakikita.

"Anak ni Kuya kay Ate Mara.."

Napakunot ang noo niyang binalingan ang kambal. "W-what? How.."

Constanza shrugged. Inalis niya ang salamin at nilagay iyin sa center table. Naguguluhan pa rin si Lucciana nang lapitan kami.

"You mean... pamangkin ko siya?" nanlaki ang mata niya. "Oh, my goodness! Paano..."

Lumapit na siya ng tuluyan at lumuhod sa harap ng anak ko. Lara cowered back, she held my hand tight as she snuggled closer to my chest. Tila natatakot na lapitan ang kapatid ko.

"That explains why she looked exactly like you! I mean, hawig niya rin si Constanza at.. at ako!"

Tipid akong tumango.

"I'll explain... later. Kailangan ko munang pumunta ng hospital ngayon," nanginginig ang boses ko sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin.

Basta't sa loob ko'y kailangan kong makita si Mara at siguradohing maayos siya. She has to be... or I'll lose my mind big time.

"Bakit? Naka on-duty ka?" si Lucy.

Hindi ko na kailangang alamin kung bakit biglang nagbago ang kaniyang mood. She looked so pleased with Lara's presence. Parang nawala lahat ng stress nito sa mga nagdaang araw habang nakatingin sa bata na na nasa aking kandungan.

"No.. Yes." Damn it! "Please, whatever happens, make sure to keep my daughter company..."

"What the heck!? Ano ba talagang nangyayari?" si Lucciana na nakatayo na't nameywang.

Hindi ko siya magawang sagutin. Ang tanging gusto ko lang na gawin ay ang tuluyan nang lumisan para mapuntahan na si Mara sa hospital.

"Lucy, baka busy si Kuya.." si Constanza na tila naunawaan ang ibig kong sabihin.

I nodded.

Binaling ko ang atensyon sa anak at mabilis na hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Hindi naman siya mukhang natatakot, more like aloof and wary.

"Baby, I need to go to the hospital right now. I will come back with Mommy soon. 'Pag..." tumikhim ako nang marinig ang panginginig ng sariling boses. "Kapag hindi pa kami nakakabalik, you can sleep first, alright?"

Nagtatanong ang mga mata ni Lara habang nakatingin sa'kin, ngunit hindi na pinilit pa ang kagustuhang iyon. Bagkus ay tumango siya.

I smiled as I gently pat her head.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now