Chapter 2.12

276 14 1
                                    

Unang Pagkakataon

Sa bawat dilim, may pangakong darating ang liwanag. Tulad ng gabing inanunsyo ng doktor ang pagkamatay ng anak namin. At ang gabing ito, ang rebelasyon na nagbigay muli ng liwanag sa madilim naming kahapon.

"I-I tried to tell you..." nauutal niyang saad.

Mas lalong umusbong ang galit sa'king dibdib. Hindi sapat ang narinig mula sa kaniya. Mariin kong pinikit ang mata at pinasadahan nang tingin ang umiiyak na bata...

Nandilim ang paningin ko. Binalingan ko ng tingin si Jonathan. Hindi na alintana ang hawak na cake, binitiwan ko iyon. It fell on the carpeted floor. Though it didn't create a sound, I was sure it got ruined on the inside.

Marahas ang bawat galaw ko, ngunit nang nasa harap na ng dalawa, ilang agwat nalang ay naging maamo na ang mukha. Pinipigilan ang magmurang muli habang nakatitig sa sariling repleksyon... the little girl version of myself. Kahit na ba may bahid itong Mara, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha.

Remnants of the past. When I think about it before, iiyak lang ako. Sisikip ang dibdib at mananalangin na ibalik sa'kin.. sa'min, ang nawalang anak. That maybe a little bit of sacrifice would suffice... more prayers and tears would bring back our unborn child?

Kasabay nang pagkawala ay ang walang humpas na awa para sa sarili.

But thinking about it now, I found it ridiculous!

"I-I did what you asked of me. Hindi pa po ba sapat iyon?" nagmamakaawa na ako. Halos nakaluhod na sa matandang Limpoco.

My heart hurt as I saw his stoic expression. Parang wala siyang pakealam. Anuman ang sasabihin ko, wala iyon sa kaniya.

"Please, sir... kahit kay Mara nalang? Kahit s-sa kaniya nalang... let her see the remains of our unborn child," nagkukumahog na akong habulin siya. Ngayon niya lang ako tuluyang nilingon. Sa harap ng maraming tao. Sa mismong airport kung saan ko siya nahabol.

Naging sarkastiko ang kaniyang tingin. Nanghahamak at mapanghusga.

Hinawakan niya ang kwelyo ko at mariing diniin ang likod ng aking katawan sa isang haligi. Maraming tao. Maraming nanonood. Pero wala siyang pakealam. Wala rin akong pakealam.

Damn. He can throw a punch on my face! Just grant me my request! Kahit kay Mara nalang... kasi nakita ko. Mismo sa mga mata kung paano siya nagmakaawang bigyan ng isa pang pagkakataon sa sariling ama. Na ibalik sa kaniya ang anak... patay man o buhay.

"Sir-"

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang paglapat ng kaniyang kamao. Sobrang lakas na parang ginigising ako sa katotohanan.

"You disgusting jerk! Ang kapal ng mukha mong lapitan ako at isumbat sa'kin 'yan!" nagbabagang niyang saad. Taas-baba ang dibdib. "Kung naging reponsable kayong dalawa sa mga ginawa niyo, hindi ito mangyayari!"

"I-I'm..."

"Huwag na huwag mo nang ipapakita pa sa'kin ang pagmumukhang 'yan!" dinuro niya ako sa noo. Kahit na nakakahiya ay tinanggap ko iyon ng buong-buo.

I deserve this. I deserve everything else. Ako nalang sana. Huwag lang si Mara 'yong mahirapan. Hindi ko kayang panoorin siyang nahihirapan.

"At huwag na huwag mo na ring lalapitan ang anak ko!" he spat just like how a father should be.

He's a father. Alam niya ang nararamdaman ko. At kahit pa sabihin niyang itatakwil niya ang anak ay hindi iyon sapat na dahilan para makunan ng munting pagmamahal niya rito. I know it, because I've seen it from my father.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now