Special Chapter

366 11 17
                                    

Gelmaine Feliciano

Sa isang prestihiyosong hotel ang venue matapos ang kasal ni Dante (kapatid ni Cain) at ng asawa nitong si Catalina Alfonso, na ngayon ay isa ng Rodriguez.

Engrande iyon at kumikinang ang mga krystal na nakasabit sa malaking chandelier sa gitna. Bukod pa roon ay ang ilaw mula sa elevated na kisame. Carpeted din ang buong hall.

Isang masigarbong palakpakan ang narinig sa buong hall na pinagdaluhan ng halos kamag-anak ng dalawang pamilya. Mga malalaking tao mula sa politika at mga naglalakihang pangalan sa negosyo lalo na sa larangan ng Medisina at Task Force of the Philippines.

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ang paglalahad ng nakakatandang kapatid ni Cain sa kaniyang bagong asawa. Sa gitna ng hall, nagsayaw sila. Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa likod at maging sa mukha dahil sa kanilang pinapakitang intimacy.

I could only imagine myself dancing on the same floor... with Cain. No matter how much I deny my attraction towards him.. and no matter how much I mask the ache inside my chest, I feel like it would no longer be whole again. Parang kahit na pilitin ko ang sarili, hindi ko iyon kailanman na maipagkakaila sa sarili. Nabasag na ito ng ilang beses... at hindi ako sinwerte tulad ni Mara na agad naagapan ang pagkakabasag nitong muli.

At ang makitang maglahad si Cain upang yayain ito sa isang sayaw, parang paulit-ulit na winawarak nito ang puso ko.

"Nakakahiya naman kung tatanggihan mo, Mara! Dali na.." tulak ni Elle sa umiiling na si Mara.

"Limpoco.."

Oh, the sweetness in his voice will forever be laced on it for as long as it's Mara.

Nilingon ako ng bagong kaibigan na para bang humihingi ng tulong. With a push coming from me, she ended up on his chest. Narinig ko ang pagsinghap niya at pinaratangan ng kaniyang mga mata na isa akong traydor na kaibigan.

I only laughed at her reaction to mask the tension that's slowly eating me. Sa gitna ng buhol-buhol kong nararamdaman ay pinasadahan ko lamang ng tingin at ngayo'y unti-unti nang nagdagsaang mga tao kasama ang kani-kanilang kapareha.

I looked at Ivo who was only watching Elle intently. Siyang-siya ito habang nakatingin sa gitna ng hall, ni hindi napansin ang tingin na iginagawad ng kaniyang nobyo para sa kaniya.

I fought the urge to smile when Ivo's now menacing look directed to me. Nginuso ko ang aking labi kay Elle na ngayon ay tiningnan na siya.

"Sayaw tayo!" puno ng kasiyahang saad ni Elle. Naunahan pa ang pagporma ni Ivo.

Ngumisi ako nang hilahin na nito sa gitna ng hall ang binata. He didn't spare me another glance and only focused his whole attention to his girlfriend.

Ah, love. Such a wonderful thing on earth. The reason why people change...

Tila ay napagod ang mga tao sa kakasayaw kaya iilan na lamang ang natira. Nasa stage na rin ang bagong mag-asawa habang hinihila naman ni Cain si Mara patungo sa pwesto nito kanina, tuluyan na akong iniwang mag-isa para lapitan ang pamilya. Kahit sina Ivo ay hindi ko na napansin kung saan napunta.

Hindi ako tumayo kahit na awkward na ang mga tingin ng tao sa'kin na nakakapansing mag-isa nalang ako. Nilagok ko ang inumin na nasa wine glass upang ibsan ang kahihiyan, kahit na wala naman akong dapat na ikahiya.

With my hair freely falling behind, I looked back to where Cain and Mara went. Napako lamang ang tingin sa stage nang may lumapit rito. A man who's way shorter compared to Dante and a bit leaner caught the attention of many. Mestizo ito at mukhang galing sa mayamang pamilya. Mapangahas niyang inilahad ang kamay upang alukin si Catalina sa isang sayaw.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now