Chapter 11

243 16 2
                                    

Med School

Good grades with connections make you pass everything else. Ni hindi ko napansin ang mabilis na pagdaan ng araw hanggang sa naging buwan at taon. Two years of pre-med course was exhausting, considering the compressed subjects and schedule. But we were expected to excel to get into Med Proper and now, we're on our first year as Medical student.

"Ang sama ni prof!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang reklamo ni Elle nang sabihin ni Prof namin na may exam siya to test our stock knowledge. Regardless of what pre-med course, you'll still take the exam since hindi naman lahat ng kaklase ko ay kasali sa Accelerated Med Program ng school. Some came from different schools with undergrad courses, some are even as old as our Professor.

"There are a total of thirty-five students in this class. I have high expectations from you since you are all here, representing the star section." si Prof na nakatayo sa gitna ng platform. He eyed us one by one with his menacing eyes. Isa siya sa naging Professor ko last year at muntik na akong bumagsak. "Anyone who will be seen looking at the paper of your seatmates or talk in the middle of the exam will be sent outside the room and expect me not to see you again until semester ends."

"Putangina talaga. Hindi naman ako nag review during summer break. Wala namang nagsabi na babalikan pa ang past lessons!" si Elle.

Bakit ba kasi magkasunod ang pangalan namin? Naririnig ko talaga siya everytime may binubulong siya!

"Elle, listen to Prof. He usually considers part of the exam his instructions kaya makinig ka nalang. Saka, evaluation lang naman 'to."

"Matalino ka kasi!" She pouted.

"Ms. Legaspi and Ms. Limpoco, would you like to come up here and discuss your discussion?" anang ni Prof na hawak ang stick habang tinuturo kaming dalawa. Narinig ko ang mahinang tawanan ng buong klase.

Fuck.

"I'm sorry, prof!" Sigaw ni Elle saka ako kinalabit. Hindi ko na tiningnan at nakagat nalang ang labi. Hindi na rin naman siya nangulit pagkatapos.

I looked behind me and saw Cain grinning. Inirapan ko nalang siya. Para kaming high-school students! May alphabetical letters pang sinusunod. Kaya ayaw kong kaklase si Elleonore kasi ang ingay niya. Minsan nadadamay ako.

Napasapo nalang ako sa ulo. Kailangan kong magtiis ng three years dahil sila-sila lang din naman ang makakasama ko hanggang sa matapos ang Med School.

"Name ten organelles and give their specific function." si Prof na nagsisimula nang ibigay ang quiz.

Lihim akong napangiti kasi BS Bio ang kinuha ko kaya natural lang na hindi ako mahihirapan sa isasagot ngunit sa mga sumunod na tanong, halos dumugo ang ilong ko. Pilit inaalala ang past lessons namin.

Nang matapos ang halos dalawang oras ay nakapag-check na ng mga papel. Halos lahat ay nakapasa. I looked at my paper once again and smiled. Three mistakes lang naman.

"You can refer to your textbooks or any reliable sites, read in advance the first two chapters and we'll have a long quiz for the next meeting. For now, class dismiss."

Napaawang ang bibig ko. I still have a day to study pero sigurado akong hindi lang siya ang magbibigay ng quizzes.

"Oh my God. Bakit ba kasi ako napunta sa star section?"

Hindi ko na pinansin si Elle at nilingon nalang si Cain. He smiled when he saw me and grabbed his bag. Sabay kaming lumabas ng room habang nakapulupot ang kanang braso sa aking bewang.

"We still have three hours left. Ang aga nag dismiss ni Prof." si Cain.

"Oo nga, eh."

"Labas tayo?"

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now