Chapter 9

248 15 3
                                    

CPR

Mara

In the middle of the celebration of 20th Wedding Anniversary, Cain went to get us some drinks and I was left alone at the shore. Naglalakad ako habang hinihintay ang pagbalik niya. Napangiti nang maalala ang nangyari kanina. Iyong mga pinsan ni Cain sobrang approaching, naalala pa rin ako kahit na last year pa iyong huli naming pagkikita. We had camp fire nearby, sang songs, and had some drinks. Hindi naman hard drinks ang sine-serve kaya nakakainom din kaming under age.

Medyo malayu-layo na ako pero rinig na rinig ko pa rin ang kantahan nila. Private property naman kaya hindi kami nakaka-distorbo sa kahit na sino.

Uupo na sana ako sa buhangin ngunit halos atakihin ako sa gulat nang makitang may gumagalaw sa gitna ng dagat. Nanlaki ang mata ko nang makitang tao iyon at humihingi ng tulong.

Fuck!

Mabilis na hinubad ko ang loose t-shirt at tinakbo ang dagat nang hindi nag-iisip. All that's in my mind was to save that person. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay huminto na siya sa paggalaw. I cussed so many times before swimming at the person already drowning.

Nang maabot ay hinila ko kaagad siya papunta sa baybayin. Nakilala ko siya sa isa sa mga pinsan ni Cain. Fucking hell. Paano siya napunta roon?

"Luke!"

When he didn't respond, I instantly knew I have to perform CPR or let him die. I closed my eyes before pushing his chest with force. Nagdadalawang-isip pa ako kung bibigyan ko siya ng hangin ngunit agad ding ginawa. Paulit-ulit hanggang sa narinig ko siyang umubo. His body shook a little and then his eyes slowly fluttered open.

"Oh my God. Okay ka lang?"

Nanlalaki ang matang tanong ko sa kaniya. Nang nagtama ang tingin namin ay agad siyang tumayo. Ngunit hindi paman din siya nakakasagot ay narinig na namin ang pagdagundong ng isang boses.

"Limpoco."

Hinihingal kaming dalawa na napalingon sa punanggalingan ng boses at nakita si Cain na may hawak na beer in a can. His nerves were pulsing as he got a better view of me and his cousin, wet and panting for breath.

"What the fuck?"

Baling niya sa akin, binitiwan ang beer at agad na inisang hakbang ang distansya namin. He looked like a mad man ready to attack. Agad kong hinarang ang katawan ko upang pigilan siya.

"What the hell, Cain! You're cousin almost drowned, ano bang problema mo?!"

"And you're half naked!"

Agad na kinuha ko ang damit sa buhangin, hindi ko pa nasusuot ay kinuha niya iyon para siya na mismo ang magsuot sa'kin.

"Itaas mo ang kamay mo." Malamig na utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.

"At ikaw, anong ginagawa mo?"

Luke shrugged and took a step back. Hindi sinagot ang pinsan kahit na nanggagalaiti na ito sa galit. Sa lahat ng pinsan niya, ito lang ang hindi matinong kausap. Though, Cain's siblings are an exception.

"Don't you dare do it again. Ang dami mo pang magagawa sa buhay para mamatay ka ng ganoon."

Napatingin ako sa seryosong mukha ni Cain. He sounded like a madman but a caring brother, kahit na mas matanda naman si Luke. I sighed. Siguro'y patungkol ito sa isyu ng pamilya kaya hindi na ako nag-abalang tanungin ito.

Tumalikod na si Cain at hinila ako. We left his cousin and the beers on the white sand.

"Baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya," mahina kong saad. I looked back at Luke and found him looking at me. His lips slightly twitched upwards.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now