Epilogue

506 13 10
                                    

The Finale

Cain

Before we even started to fall into pieces, alam ko nang may sasalo kay Mara. Alam ko nang may taong handa siyang saluhin sa bawat pagkakadapa niya.

Masakit man na hindi ako iyon. Mas masakit pa ring isipin na unti-unti, natutunan niyang pakisamahan at magustuhan ang taong iyon. Though it was not as powerful as her feelings directed for me, I knew she's feeling for him. I wonder if... what if she didn't come back here in Cebu... If I prolonged the distance that we shared and if I did nothing but to accept defeat. Siguro'y mahal na niya ito ngayon. Baka si Jonathan pa ang nasa posisyon ko ngayon.

And thinking about it right now with my hands intertwined with hers, I could only feel hatred for myself. For prolonging the pain and to the years that we have wasted.

Fear engulfed me of the possibilities that might've happened if I prolonged it longer...

Marahan ko siyang hinapit palapit sa'kin. Sa aking isipan ay matagimtim kong pinagdarasal na sana'y ang mga tinik na darating sa buhay namin ang maging dahilan ng pagtitibay ng pondasyon sa aming pagmamahalan. At kung subukin man ay hinding-hindi na magigiba...

No matter how painful our past is, I could not seem to just let it all go.

"Pakiramdam ko talaga may namamagitan sa kanila ni Jonathan, noh, Seri?" isang beses nang mahuli kong nakatingin si Elle sa labas ng bintana.

Third year of Med School namin iyon. Sariwa pa rin ang mga alaala sa aking isipan. Parang kahapon lang ang nagdaan.

Nilingon ako ni Seri at nakita ko ang takot sa kaniyang mata kaya iniwas niya ang tingin sa'kin. Wala kaming klase ngayon dahil may convention ang aming Professor.

Kahit na hindi nila sabihin nga harap-harapan sa'kin ay alam kong pinaparinig ni Elle ang nakikita niya sa labas. At hindi ko na kailangang libutin ang loob ng classroom para mapansin ang pagkawala ni Jonathan dahil palagi iyong lumalabas sa tuwing ganito ang pangyayari sa loob ng aming classroom... kasama niya palagi si Mara.

"Oo nga," kahit bulong iyon ay narinig ko ang pagsang-ayon ni Seri.

I swallowed hard. This year is really hard for me... hindi ko alam kung bakit at kung paano iyon naging mahirap. Is it because I uncomfortably listen to the lectures thinking that Mara is one year behind? Is it because my mind is filled with Mara's possible relationship with Jonathan? Or is it because I just wanted her back to me?

Kahit saan ako lumugar, si Mara lang naman ang bagsak ng lahat ng ito.

I frustratingly rammed my fingers through my hair. Ginulo ko iyon matapos pasadahan at marahas na nilagay sa bag ang mga libro na kayang dalhin roon. Ang iba'y binitbit ko para makalabas na ng classroom.

Nakatayo na ako ngunit narinig ko ang malakas na tawa ni Elle. Sinasadya talagang iparinig sa'kin.

"Ang sweet niya talaga kapag si Mara ang kaharap! Hindi magtatagal ang pagkakaibigan nila. Pustahan pa tayo! Mara will finally 'love' again... This time, to the man who's willing to stay with her through thick and thin!"

Umigting ang panga ko sa narinig. Hindi ko mapigilang tingnan si Elle na ngayon ay nakatingin na sa'kin. Nakataas ang isa niyang kilay. Nanghahamon ng tingin.

I only closed my eyes for a second to calm my raging nerves.

Wala siyang alam kaya hindi ko siya dapat pagbuntunan ng galit. Hindi niya alam kung ano ang isinakripisyo ko para sa kinabukasan ni Mara. Wala sa kanila ang may alam kung ano ang nararamdaman ko sa kaloob-looban ng aking puso. Hukayin man nila'y tanging makikita lamang nila ang kasamaan ko dahil sa pag-iwan sa kaibigan nila sa ere.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora