Chapter 2.17

262 11 2
                                    

Lies

"I found out about her two years ago after I took my Hippocratic Oath, thinking that I'd finally make my father proud.." malungkot akong ngumiti.

Sinandal ni Cain ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Doon ay naramdaman ko ang bawat pagtibok nito. Malakas at sobrang bilis. Tingin ko'y hinahabol niya ang kaniyang hininga ngunit ang kaniyang mukha'y nagsusumigaw lamang ng pangungulila.

"I couldn't find the courage to forgive Dad... for keeping my daughter.."

Marahan niyang hinaplos ang aking ulo hanggang sa dulo ng aking buhok. Pinasadahan niya ako ng mabilis na halik sa ibabaw ng aking ulo, ang baba ay nanatili roon.

"Our daughter," ulit niya.

Ngumiti ako at pinalis ang luha sa aking mata. Nanatili ang aking tingin sa dilim, tanging liwanag mula sa buwan at iilang poste ng ilaw lamang ang dahilan kung bakit hindi lubusang sinasakop ng dilim ang buong kapaligiran.

"And he kept my m-mother's death.." my voice broke. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang kailan lang nang malaman ko ang lahat.

And talking about it now makes me hopelessly recall everything. It pained me to remember those times but I don't think I could ever move forward without looking back. Iyong pagsisisi sa aking batang puso ay huli na para makahingi ng personal na tawad sa magulang kong hindi ko na kailanman mahawakan... o makita man lang.

"Mara.. anak.." my father's voice cracked. An unexplainable feeling crept inside my very soul as I watch the empty house that was once my home... Our home.

"Si Mommy?" tanong ko nang mapansing mag-isa lang siya. Hindi mawala ang tambol ng kaba sa aking dibdib.

Umiling si Dad. Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang pinapanood siyang nagkaganoon. Tila isa siyang babasaging wasak na wasak na.

"Dad, naipasa ko na ang Med School. Just like how you wanted it to be. Ayaw mo pa rin ba akong makita? Si Mommy.. nasa kwarto ba? Pupuntahan ko..."

Akmang tatalikod ako nang hawakan niya ang kamay ko. Sobrang lamig noon, nanginginig. Sinlamig ng aming bahay. Tila isa iyong nagyeyelong lugar na hindi man lang nasilayan ng araw.

"Wala na siya, 'nak."

Nanginig ang binti ko nang ma-proseso ang kaniyang sinabi. Napaawang ang bibig ko. Dumoble pa ang kabang nadarama. Ayaw tanggapin ang katotohanang ngayon ay pilit niyang ipinapalamon sa'kin.

"W-What?" I couldn't help but listen to my voice as it broke.

The screeching silence is deafening. Ngunit hindi noon magawang tumbasan ang tambol sa aking dibdib na naririnig na ng sariling kong tainga. Sinalakay ng kakaibang takot ang aking puso.

"Your mom left me.. She left us.." sabay bitaw sa'king kamay.

Umiling ako at napaatras sa kaniyang sinabi. Dinurog nito ang kakarampot na pag-asa sa'king puso.

"Saan siya pumunta?" subukan ko mang tapangan ang aking boses ay hindi noon naitago ang pait na pilit kong kinimkim sa sarili.

"She's dead.."

Napahawak ako sa bibig at sa nanlalaking mata ay humakbang palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang kompirmahin ang sinabi.

"She died a month ago. Umalis na siya. Iniwan na niya ako." parang hindi rin siya makapaniwala habang sinasabi iyon.

Never, as in never, in my entire life have I ever seen him this weak... this fragile... No. He's more than that. He's already broken, very broken that stitches won't even heal him back to pieces.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon