Chapter 2.10

281 12 3
                                    

Assignment

I was too late to run after her. Masyadong naging mabilis ang kaniyang pagbukas ng pinto at hindi ko na ito nagawang sundan pa. I was stunned for a moment when I realized that she kissed me... as if saying goodbye.

Kung walang nagmamahal na nang-iiwan at nananakit, bakit mo ito ginagawa sa'kin, Mara? You told me you love me. You kissed me. What was that for?

I wanted so much to ask her those. To hear her answers and to finally be over this...

Mabilis pa sa alas cuatro akong lumabas sa sariling unit. Agad na sumalubong ang malamig na hallway... at ang dalawang taong nasa harap ng unit katabi ng akin.

"Hindi ko alam.." umiling si Mara na nakatalikod sa'kin, gumagalaw ang balikat mula sa pag-iyak. Kaharap ang lalaking tanging kinamuhian ko buong buhay, ng walang sapat na dahilan.

Hindi nagsalita si Jonathan at dumiretso na ang tingin sa'kin. I stared back at him. Just like before, he remained silent, cold, and distant.

Ngunit sa isang iglap ay nahagilap niya ang siko ni Mara dahilan upang tuluyan nang maputol ang pagtitimpi ko.

"Limpoco," I heard myself growl.

After a kiss I'll find you here with a man? A man that likes you... or maybe even loved you since day one.

No, Mara. I won't allow it. Hinding-hindi ako makakapayag.

Lumingon na rin sa gawi ko si Mara. Natunaw ang kanina'y balak kong pagsugod kay Jonathan nang makita ang luhang patuloy na namalisbis sa pisngi ni Mara.

"Sa unit mo tayo mag-usap.." Jonathan suggested that made my blood boil once again.

Tiningnan ko si Mara. Ang tingin sa kaniyang mga mata ay halos magbigay daan sa'kin para tuluyan na pagbigyan ang kasama.

I groaned, lowly. To indicate how much I hated the thought of having the two of them inside her unit. The last time I remember, a man and a woman cannot be in the same room without doing anything. God, my dirty thoughts! At ngayon-ngayon lang ay hinalikan pa ako ni Mara. Mas lalong hindi pwede!

"S-sige.." pagpayag niya sa suhestyon nito.

Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Nagsusumamo akong huwag sanang ituloy ang binabalak nito.  Nagmamakaawang huwag paunlakan ang lalaking ungas na ito.

"Mara.." tawag kong muli sa mas malambing ng boses. Baka madala pa? Baka...

She shook her head in disapproval. Hawak na niya ang doorknob ngayon, at sa marahang galaw ay tinalikuran ako upang harapin ang kasama.

"Tara," aya niya pa rito.

"Please..." ulit ko ngunit para siyang walang narinig. Patuloy lang sa pag-swipe ng door key at pumasok na nang tuluyan.

Napatingin ako kay Jonathan. Halos magmakaawa na dahil sa kabang nadarama. He just looked at me with bored eyes, clicked his neck then clenched his jaw. Tila nagpipigil.

Sumunod siya sa loob habang naiwan naman akong tulala. It was so hard for me to take another breath seeing them enter her unit. In a room. Together!

Ang nakaraan ay nagbalik, tila hindi bigong isampal sa mukha ko ang katotohanan. Ang dalawang taong pagkakawalay... siya sa Manila, ako naririto sa Cebu.

"These are the pictures that were personally taken by the private investigator. I don't know how much of it is true, but seeing how close they are? You still believed they're just friends?" Lucciana mocked. "Hmm.. sige, friends nga siguro. Friends with benefits?"

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now