Chapter 2.03

278 12 0
                                    

Hide

Napapikit ako dahil sariwa pa rin sa akin ang pag-iyak ng anak. I reassured her for so many times that she's gonna meet her father soon. Ngunit hindi ko sigurado kung kailan nga ba dahil humahanap pa ako ng tamang tyempo. Lalo na ngayong magsisimula na akong mag-trabaho sa Centre.

"Maraming salamat po. Babalikan ko po siya mamaya," saad ko kay Fhara, isang Daycare Center staff, malapit lang sa Hospital.

"Sige po, ma'am. Hali ka na rito, baby Lara.." she said in her sweet voice.

The Daycare Center was recommended to me personally by Ivo, lalo pa't alam niya ang magiging sitwasyon namin rito sa Cebu.

Napaatras naman si Lara at niyakap ang binti ko. Nag-aalangang lapitan ang babae. I bended my knees to level her then gave her a hug. Marahan kong dinantay ang kamay sa kaniyang likod, hinagod iyon.

"It's okay, baby. I'll be back later," saad ko. Mas hinigpitan niya lang ang pagkakaakap sa'kin.

"But, mommy.."

Humiwalay ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Tinitigan ko. She pouted like she didn't want me to leave her alone.

"Mommy has to go to work, baby. I promise, bibisita ako later para sabay tayo mag-lunch. Okay?"

Tumungo siya, marahang tumango. I smiled.

"Go now.."

"Bye, mommy. I love you," paalam niya at binigyan ako ng halik sa pisngi.

I waved my hands back, feeling a slight disappointment as I saw her being carried by Fhara.

Ayos lang sana kung maiiwan ko siya mag-isa sa condo pero wala siyang kasama roon. Hindi tulad sa Manila na kasama niya si Manang Leah. Hindi ko naman magawang dalhin ang kasama sa bahay dahil na rin sa katandaan. Inaasahan ko rin siya sa pagbabantay sa aming bahay roon kaya minabuti ko nalang na iwan siya sa Maynila.

"Bye, baby. I love you, too.."

"Bye, tito! Ingat po kayo ni mommy," she waved her hand at me.

Nathan then silently eyed Fhara who was now carrying my daughter. Sinundan ko rin sila ng tingin bago tumalikod upang harapin si Nathan.

He was seriously looking at me. Ngumiti lang ako saka nagsimula nang maglakad papunta sa kotse. Nauna siya ng kaunte upang pagbuksan ako ng pinto.

"Are you okay with the set-up?" Nathan suddenly asked as we drove to QMC. Walang traffic kaya medyo mabilis lang ang byahe.

"Wala naman akong choice. Hindi pa rin naman nagsisimula ang school year kaya mapipilitan talaga akong ibilin muna si Lara sa Daycare. Isa pa, malapit lang naman sa workplace," sagot ko.

Tumango siya.

"How about Cain?"

"As much as possible, I don't want to think about it right now.."

"Pero malalaman din niya kalaunan, Mara. I'm afraid of what might possibly happen if he learns that he has a daughter with you."

Napakunot ang noo ko. "Katulad ng?"

He pursed his lips.

Huminto ang kaniyang kotse, saka ko lamang natanto na nakarating na kami sa parking lot ng QMC.

I swallowed hard. Ngayon lang nakaramdam ng kaba.

"He might take into account of taking Lara away from you.. possibly taking legal actions."

Napaawang ang bibig ko, dumagundong sa bilis ng tibok ang puso. Natakot sa kaniyang sinabi.

"Hindi," iling ko saka sinabit ang bag sa aking braso. "Alam kong hindi niya iyon gagawin."

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin