Chapter 20

281 11 0
                                    

Break Away

Ni minsan hindi ko naranasang maghabol. I can be very obedient but I was never the one to chase someone. Not this way...

"Mara, stop!"

Agad kong nilingon si Nathan nang hilahin niya ako palabas ng classroom. Hindi niya ako binitiwan hanggang sa tuluyan nang makalabas.

"You need to give yourself the space that you deserve! Pero bakit ikaw itong habol nang habol?" he sounded mad. But I didn't care. Kailangan kong makausap si Cain.

"Ilang minuto lang naman.." saad ko sa nanginginig na labi at akmang tatalikod nang hilahin niya akong muli paharap.

"Space, Mara. Please.. think of yourself first.."

"Space? Fuck, space! I've given him enough space more than I ever needed, Nathan! Ano, maghihintay ulit ako ng ilang buwan bago siya maging handa?!" gagad ko at sinubukang kunin ang kamay ngunit hindi niya iyon pinakawalan.

"Understand him--"

"Understand! Understand talaga, Nathan? Ni hindi nga niya ako binisita! Pagkatapos bigla nalang siyang makikipaghiwalay nang ma-discharge ako! Gaguhan ba 'to?!"

"Mara.."

"I thought he would be there to comfort me when I need him the most. He promised me, Nathan. Palagi niyang dinidiin na malalampasan namin ang kahit na ano basta't magkasama! And then what? You're telling me to understand him when he could not even understand me.."

Agad na lumuwang ang pagkakahawak niya sa'kin kaya't hinawakan ko iyon gamit ang isang kamay at umatras. Umiiling na tiningnan siya.

"You don't understand me, Nathan when I said I would hang on. Kumakapit pa rin ako. Kaunting tulak nalang, mawawasak ulit ako.. pero pinanghahawakan ko pa rin iyong pangako niya sa'kin," halos pabulong kong saad at umiiyak na.

"There's no more promises, Mara. He broke his promise already when he walked away from you that night."

Napasinghap ako at umiling. Mabilis na tinalikuran at pupuntahan na sana ulit si Cain, ngunit agad ding napahinto. Para akong tuod na nakatayo lang. Tanaw ang dalawang taong naglalakad palabas ng classroom na magkasabay.

"Let's go.." aya ni Nathan at sinubukang hilahin ako ngunit naging matigas ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang dalawa. Napaawang ang bibig ko nang magtama ang mga mata namin. He looked at me then his eyes shifted from behind me. Agad siyang nag-iwas ng tingin habang seryosong nakikinig sa katabi. Ni hindi man lang ako muling tinapunan ng tingin.

"Kilala mo ba?" tanong ko kay Nathan habang hawak ang railings para humingi ng suporta. Hindi na nagawang tingnan ang kausap at sinusundan lang ng tingin ang natatanging tao na may kakayanang pasakitan ako ng ganito.

"They happened last year.."

"They.." pagak akong natawa. "They happened... last year?" tanong ko nang hindi ma-proseso ng utak ang kaniyang sinabi. Binaling ko ang tingin sa kaniya at sumandal sa railings.

Hindi siya nagsalita at iniwas lang ang tingin.

"Isang taon lang akong nawala, Nathan. At buntis ako nang mga panahong iyon.." nanlulumo kong saad at muling tiningnan ang papalayong pigura ni Cain.

"Don't get the wrong idea, Mara. He didn't cheat on you--"

"What the fuck happened while I was gone, then?"

"Mara.."

"Why are you still protecting him? Why would you ask me to give him space? Why would you be the one explaining this when he could be the one doing it? Ginagawa niyo ba akong dalawa na tanga? Natatangahan ka ba sa'kin--"

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now