Chapter 2.18

258 12 1
                                    

Save my heart

Buong gabi'y hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Binabagabag ng napakaraming emosyon.

Nang sumapit ang umaga'y dali-dali akong bumangon upang ayusin ang sarili. Ayaw kong makita niya akong ganito habang siya'y maganda ang tulog.

"Ate!" bungad ni Constanza nang makababa ako ng hagdan. Hinagkan niya ako sa pisngi at mabilis na inaya sa kusina.

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot na apron at agad natantong nagluluto pala siya.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" she asked.

I immediately touched the bags under my eyes. Napansin kaya niya?

"Uh, oo," ngumiti ako upang tabunan lahat ng nararamdaman.

Nilingon niya ako bago muling binalingan ang nilulutong agahan.

"Mukha namang hindi," saad niya.

I swallowed hard.

Ngumiti siya at tinalikuran ako upang kunin ang babasaging plato na hinanda sa mesa.

"May maitutulong ba ako?" basag ko sa katahimikang bumalot sa'min.

Napansin ko rin kasing wala silang kasambahay. Unlike sa Manila, napakarami roon. Though, mayroon naman silang tagapangalaga na nagpupunta lang dalawang beses sa isang linggo.

Parang naging hometown tuloy ang Manila para sa kanila kahit na dito naman talaga sila halos lumaki. Except Cain, who studied in Manila from elementary till high-school. Of course, I grew up with him almost half of my life.

"Hindi, ayos na. Nakahanda na rin naman ang mesa. Maya-maya lang ay bababa na sila para sa agahan." saka ay ginawaran niya ako ng tipid na ngiti. Tumango nalang ako.

"Baka... gusto mong pag-usapan?"

Napaawang ang bibig ko sa narinig. "Huh?"

"Parang umiyak ka buong gabi," saad niya. "Though, I won't force you on telling me what the problem was."

"H-Hindi naman.."

"Mapapansin ni Kuya ang mata mo. Pero kung alam niya ang dahilan, baka ayos lang?" nagkibit siya ng balikat.

Halos mahulog ang puso ko mula sa dibdib dahil sa kaniyang sinabi. She's just so... damn it!

Agad akong lumingon sa isang bilog at malaking salamin 'di kalayuan upang tingnan ang sariling repleksyon. I was sure I checked myself on the mirror awhile ago before going down stairs.

"I was just kidding," narinig kong sabi ni Constanza.

My eyes widened as I looked back at her.

"Halata lang talaga na para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Anyway, if you're not that ready to marry my brother, you can just ask him.."

"I doubt that." nasabi ko nang wala sa sarili na para bang may sariling utak ang bibig ko.

"You doubt what?"

Bumuntong hininga ako.

I am ready for marriage. Your brother is not. Well, at least, not if it's me he's marrying.

Nagkibit ako ng balikat at tipid na ngumiti.

"Nag-usap lang kami kagabi. Naalala ko lang din si Mommy.." marahan kong sabi na nakapagpatahimik sa kaniya.

We both lost our Mom. At kahit na matagal na iyon ay parang kahapon lang iyon nangyari.

"I understand."

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now