Chapter 2.07

273 13 1
                                    

Fooled

There are heartbreaks that can be fixed... and that cannot be.

Noong una, akala ko kaya ko, hanggang sa nagkrus muli ang landas namin. Na para bang pinaglalaruan kami ng tadhana. Napatunayan kong isa akong malaking tanga dahil hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.

I am now walking toward the exit of the hospital when I was suddenly pulled back, almost making me scream. Nilingon ko ang humila.

"Cain!" pinandilatan ko siya ng mata. "What the hell! You could've called me, bakit kailangang hilahin mo ako ng ganoon!?"

Napahawak ako sa dibdib at sinamaan siya ng tingin.

He looked like he's been under a lot of stress with the bags under his eyes, he sure looks like a human zombie. Ngunit kahit naman ganoon ay gwapo pa rin.

Umiling ako. Really now, Mara?

Mag-iisang lingo na rin at hanggang ngayon, iyong huling pinag-usapan niyo pa rin ang nasa isip. Pakiramdam ko tuloy, hindi na ako kailanman matututo.

"Uuwi ka na?" marahan niyang tanong bago binitiwan ang braso ko. Napatingin siya doon nang abutin ko iyon para himasin. Marahas kasi ang pagkakahila niya, namumula na rin ang bahaging iyon. "I'm sorry... masakit ba?"

"Ayos lang. Uuwi na sana.. kaso lang hinila mo 'ko. May problema ba?" taas ang kilay na tanong ko.

"Magpapaconsult sana ako sa'yo.."

Umawang ang bibig ko. "May sakit ka?"

Pinagmasdan ko siya, doon ko napansin na medyo namumutla nga siya. Pagod din ang dalawang pares ng mata. Hahawakan ko sana siya sa leeg nang magsalita siya. Nabitin sa ere ang aking kamay.

"Lovenat?" He said almost unsure of himself.

Napamura ako. Hindi makapaniwalang binalingan siya ng tingin sa sinabi. If only I could punch him on his face in front of my colleagues and patients lining up for consultation, I'd gladly do so. Sa'n siya natutong gumanon?

"I'm just feeling sick lately... thinking if you're thinking of me."

Parang tumaas ang altapresyon ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Ngunit hindi rin maiwasan ang pag-init ng aking pisngi sa kahihiyan o siguro'y dahil sa kilig. Hindi ko man aminin, apektado pa rin ako.

"I didn't know you have this side of you, Cain. Ano tayo, high school? Hindi na uso ang ganiyan ngayon."

"Hindi na nga uso, kaya papausuhin ko ulit."

Nilapat ko ang likod ng aking palad sa kaniyang leeg saka tinaas iyon sa kaniyang noo. Agad kong napansin ns medyo mataas nga ang init ng katawan dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

"Mukhang may sakit ka nga. Kaya ka siguro nagkakaganyan. Tsk, tsk." Umiling ako at hinila siya. Naka-lab coat pa rin siya, ni hindi ko alam kung on-duty pa siya o ano.

"I was just trying to set the mood. Ilang araw mo na rin akong hindi pinapansin. Are we back to zero? I thought you'll keep me?"

"Basically. But you declined my offer." I stated as a matter of fact, while still pulling him outside the building.

"Keeping me as a friend is a bad idea, Mara," aniya na nagpatianod lang sa'kin.

Umiling nalang ako at binitawan na ang kamay niya nang nasa harap na kami ng kotse ko. Naalala ko tuloy 'yong eksena namin noong nakaraan.

"Bakit masama ang pakiramdam mo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Medyo mainit ka rin. Do you even sleep? Kumakain ka ba ng maayos?" I crossed my arms on my chest while intently looking at him.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon