Chapter 2.06

285 14 3
                                    

What we have become

I was set to ignoring him the whole ride. Pero ang hirap lalo pa't naiipit kami sa traffic. Ni hindi ako makapaniwalang lagpas na sa dalawampung minuto ang biyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa condominium.

I closed my eyes tightly when I heard his phone ring. I didn't want him to know I was eavesdropping. Kahit hindi naman talaga!

Naririnig ko lang dahil magkatabi kami at ang alam niya'y natutulog ako.

"Hugo?" sagot niya sa tawag.

Agad na napamulat ako ng mata. Bakit tumatawag ang kapatid niya?

I rolled my eyes. Bawal ba? Bawal? Naku, Mara, ha. Tumigil ka na sa kahibangan mo!

"What the fuck happened?" Cain growled. Napatingin ako sa gawi niya, napakunot ang noo. Suminghap siya at mariing pinikit ang mata. "I-I will. I'll be there... Yes--- damn it!"

Napasinghap ako sa marahas niyang pagmura. Nilingon niya ako, galit pa rin at mukhang sasabog na anumang oras.

He licked his lips then bit his lower lip, hard. Marahas na pinikit niyang muli ang mata. Kita ko pa kung paanong humigpit ang hawak niya sa steering wheel. Tila pinipigil ang sarili.

"A.. ano'ng nangyari? Ayos ka lang?"

He was breathing really hard I started to worry about him. Napatingin ako sa likod ng kotse nang may bumusina. Umaandar na lahat ng kotse, kami nalang ang naiwan sa gitna.

He was starting to lose his cool. It was so obvious I didn't have to think twice on asking him.

"Si Mommy.." bulong niya.

Agad na sumikdo ang puso ko sa takot. His eyes were showing mixed emotions. Parang kahit ano'ng gawin niya, hindi niya mapigilan ang sarili. Kahit ang bawat paghinga ay marahas, lalo na sa paraan ng paggalaw ng kaniyang dibdib. At ang kaniyang panga ay sumasabay rito, tila dinudurog ang kung ano sa pagitan ng kaniyang ngipin.

"Calm down, Cain. Ano ba'ng nangyayari? Just tell me so I could be of help. Natatakot na ako," saad ko. Marahan kong dinantay ang kamay sa kaniyang balikat, nagdadalawang-isip pa noong una.

He sighed, letting everything in. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib habang naghihintay sa kaniyang sasabihin.

"Heart... heart attack," he finally said. "Si Mommy, nasa hospital.."

Hindi agad naproseso ang sinabi niya. Napahawak ako sa bibig. Marahas na ang bawat hininga nang mapansin ang pagkabalisa niya.

"Park the car. I'll drive." mariin kong utos. I knew right then and there he was not in his right mind to drive a car.

"I don't know.." marahas niyang pinilig ang ulo.

"Park the car somewhere near! I'll drive!"

Nanginginig ang kamay niya nang simulang paandarin ang kotse. Nabahala pa ako dahil balisa siya. When I was already on the driver's seat, I reversed the car back to QMC.

"I'm sure your Mom is fine," paninigurado ko.

Minsan ko siya kong lingunin habang nagmamaneho. Hawak na niya ang ulo ngayon. Gumagalaw rin ang panga sa pagpipigil. Doon ko nakita ang sarili sa kaniya.

Ganiyang-ganiyan din ako nang mawala si Dad sa mismong harap ko. But seeing him this frail... so fragile... gusto ko nalang siyang yakapin at aluhin. Parang bula na nawala lahat ng alinlangan ko sa kaniya. Ngayon ay tuluyan nang napalitan ng kaba at pag-aalala.

"Pakibilisan... please," pagsusumamo niya.

A lone tear fell on its own as I watch him shed tears for his mother. I've never seen him this broken. I never wish to see him like this again. I don't care if it means hurting me in the process... I just don't want to see him hurt.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon