Chapter 17

221 11 0
                                    

Positive

Nag-iiyak pa rin ako habang inaalo ni Cain. He somehow managed to calm down after an hour or two.

Hindi ko alam. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay siguraduhing mali ang iniisip naming dalawa.

"Would you like me to call Elle?" si Cain sa pinakamalambing na boses.

Umiling ako. Already disagreeing the thought of someone else knowing.

"Gusto mo bang pag-usapan na natin?"

Sa takot ko ay hindi ako nakasagot. Paano pag ayaw niya? Kasi ako, kahit ayaw ko. Paninindigan ko kung anong resulta man nito. Kahit na sa batas ay hindi tinuturing na tao -- kung totoo mang buntis nga ako -- ang nasa sinapupunan ko. Para sa'kin, nabuo pa rin siya. May buhay at resulta ng ginawa namin.

"Let's eat first.."

"Ayaw kong ipalaglag ang bata, Cain." sa nanginginig na labi kong saad. Ni hindi magawang tingnan si Cain sa takot.

"Hindi pa tayo sigurado--"

"No, Cain. You said it yourself. The changes, my cravings, and this? Me being emotionally unstable.." turo ko sa sarili at muling naiyak. "If I'm proven pregnant, I won't abort the child."

"Sa tingin mo gusto kong ipalaglag ang bata?"

He frustratingly pinched the tip of his nose, trying to calm himself. Siguro'y natatakot na baka mauwi na naman kami sa sigawan.

"I'm not gonna let you abort my child if that's what you're thinking, Limpoco," he started. Ang kaniyang mukha ay sobrang seryoso, ang mata ay nagngangalit.

"Then, why?"

Sa sobrang hina ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya ba iyon o hindi. Bumuka ang bibig niya ngunit mabilis ding sinara. Naiinis na sinuklay ang buhok at mas lumapit pa sa'kin. Hinawakan ang kamay ko at ginawaran iyon ng halik.

"That's my child, Mara. I won't let anything happen to it," himinto siya sa pagsasalita at nilapit ang kamay naming pinagsiklop sa kaniyang bibig. "But we're still both young.. ikaw, ang dami mo pang pangarap."

"Si Dad, Cain.. he will.. he will probably go mad."

"I'll buy you the PT first then maybe we can decide on what to do next."

Tango lang ang naisagot ko.

Pinahupa niya muna ang pag-iyak ko bago bumaba upang bumili ng PT. I don't even know if he's really gonna buy it personally or what. Basta't ang nasa isipan ko lamang ay kung paano ko sasabihin kay Dad na buntis ako. At kung ipagpapatuloy ko pa ba ang Med School gayong alam kong makakasama iyon sa bata.

Dala na rin siguro ng sakit sa mata kakaiyak ay nakatulog ako. Nagising na lamang nang maramdaman ang mahinang pagyugyog ni Cain sa aking balikat. Nang imulat ko ang mata ay masakit pa rin iyon ngunit nasa kama na ako.

"You need to eat first. Ang haba ng tulog mo," ngiti niya bago ako tinulungang umupo sa kama.

"You brought me here?"

Tumango naman siya. Huling alala ko kasi ay nasa sala ako at nakahalukipkip.

"Come.. I bought you your favorite."

Agad naman akong tumayo sa kama at nauna nang lumabas ng kwarto. He helped me with all the essentials before settling down across the table.

Sobrang maalaga niya. Parang walang minuto na hindi niya ako pinagsilbihan. Kahit ang simpleng pagkuha ng tubig sa pitsel ay hindi ako hinayaan.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon