Chapter 22

265 14 4
                                    

Out Balanced

"I don't remember anything last night... God, I don't even think I want to remember what happened last night. Nag-cram ako kanina dahil hindi ako nakapag-study!" hawak ang noo kong sinabi. "I think Prof. Zevin is gonna fail me in her class."

Umiling lang si Samuel at natatawang binatukan si Nathan. Parang may alam ito na hindi sinasabi. Mukha kasing bad mood si Nathan at hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Why did you have bruised lips anyway?" tanong ko nang mapansin ang band aid sa gilid ng kaniyang labi. Napaaway siguro kagabi. Siya daw kasi ang naghatid sa'kin pauwi nang makita ako sa bar.

"You really don't remember anything, Asuncion?" si Samuel na mukhang tangang tumatawa. Hinampas naman siya ni Luna sa balikat para patigilin ito.

"Stop calling me that!" asar kong saad bago binalingan ng tingin ang hindi nagsasalitang si Nathan.

"Napa-away ka kagabi?"

Nathan pursed his lips when I asked him again. Tinapos niya ang natitirang slice ng kaniyang sandwich at sinara ang librong binabasa, pero hindi naman yata nakapag-aral ng maayos.

"Una na ako," paalam nito sa malamig na boses.

I quickly stood up when he grabbed his bag.

"Aalis ka na?"

"I still have class in ten minutes. Hindi na ako makakasabay sa inyo kasi study hour niyo naman, hindi ba?"

"Ah... sige..."

Tumango lang ito saka mabilis kaming iniwan. Nakasabit sa isang balikat ang bag habang nasa kabila ang iilang libro na binasa kanina.

Umiling nalang ako saka binalingan ang mga kasama. Nang maupo ay agad na tiningnan ang nagpipigil sa pag-ngiti na si Samuel.

Gosh. I don't exactly remember how I always end up with noisy people in class. Parang akong magnet na hinihila lahat ng maiingay kahit sa'n dako ako paroroon.

"May alam ka sa nangyari kagabi?"

Samuel shrugged a bit then played with his highlighter with his hands. "My lips are sealed.."

Napataas naman agad ang kilay ko. I know him personally because he's one of the juniors from Ivo's gang. Ivo means chismis. Hindi na ako magtataka kay Samuel. Nathan, on the other hand is a different story.

"Seriously?" gagad ko nalang at binalingan ang nanlalaking mata ni Luna. She shrugged her shoulders then went back to studying.

Canteen is usually noisy but when it's mid afternoon, hindi masyadong matao kasi nasa klase halos lahat o 'di kaya'y nag-aaral.

"Samuel," saad ko sa naiinis na boses.

Ngumiti siya ng nakakaloko at binitiwan ang highlighter. He clasped both his hands and rested his forearm on the table. Pinatong niya ang baba sa kaniyang pinagsiklop na kamay.

"Sigurado ka ba na gusto mong malaman ang nangyari kagabi? Kasi... sasabihin ko naman, basta ba i-libre mo ako,"

"Ano ba, Sam. Mag-aral ka na nga diyan," saway ni Luna sa kaibigan bago ako binalingan. "Don't mind him, Mara. Niloloko ka lang niyan."

"Hindi, ah. Ayaw lang talaga na ipasabi ni Nathan na nasuntok siya kagabi dahil kay Asuncion," panimula nito na ikinalaki ng mata ko.

So, I was right all along. Ako nga talaga ang dahilan kung bakit napaaway si Nathan. I just don't remember anything in particular.

"Bakit siya nasuntok?"

"I think it's better if you ask Jonathan himself, Mara," saad ni Luna at pinitik sa tenga si Samuel.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon