Chapter 2.15

287 10 0
                                    

Hooked

Mara

There were times that I'd be very grateful for silence. At ang katahimikang bumabalot sa'min ngayon ay hindi ko magawang magustuhan.

"Eat, Limpoco," saka nilapit ni Cain ang kutsara na may sopas.

Napilitan man ay ngumanga pa rin ako para isubo ang pagkain. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang nangyari, pero mas nangibabaw ang takot at pangamba nang maalala ang pagtatago ko kay Lara sa kaniya.

At kamakailan lang ay nalaman niya ito.

"Si Lara?" tanong ko sa gitna nang pagsasandok niya ng sopas.

"Nasa bahay sa Acosta.."

Right.

I almost forgot na may bahay nga pala sila rito. I wonder if he goes there... and not... Stop it, Mara.

"I'm sorry.." pikit matang saad ko. Nakayuko na at hindi kayang salubungin ang kaniyang mga mata. But he only responded with silence I have to hold my chin up only to see him intently looking at me.

"What are you sorry for?" mariin niyang sabi.

Nahimigan ko ang kaniyang pagpipigil. Umigting ang kaniyang panga at matalim ang mga titig.

"About Lara.."

"Let's not talk about that here. Kumain ka na," he raised a spoonful of soup to blow it cold.

"Please. I'm really sorry--"

Nagulat ako nang ibaba niya ang kutsara. Hindi man padabog ngunit alam kong nag-uumapaw na ang kaniyang galit. Parang tumambol ang puso ko sa kaba habang nakatingin sa kaniya.

Pumikit siya at marahas na bumuga ng hangin. At nang ibuka niya ang mata ay malumanay na ito.

"Let's not fight, please?"

Halos mawalan ako ng lakas dahil sa sinabi niya. Itinaas ko ang kanang kamay upang abutin ang umiigting na panga. Nagulat siya sa ginawa ko at maging ako'y hindi inasahan ang ginawa. I was even surprised as the fire ignited my system.

He immediately softened from my touch, almost leaning to it like his life depended on it.

"I'm really sorry. Hindi ko sinasadya.."

"You should be," mahinang bulong niya. Inabot niya ang kamay ko at binaba iyon kasama sa kaniyang kandungan. Using his other free hand, he continued to feed me.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at agad na lumambot ang puso.

When was the last time he held my hands? Hindi ko na maalala.

And up until when am I going to fool myself into believing that he's no good for me? Kahit na wala siyang gawin ay pakiramdam ko'y ginawa siya para sa'kin. At sa'kin lang.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang mapansing wala sa pagkain ang atensyon ko.

"Ah, Mara," he sighed.

Iyon lang ang ginawa niya sa tuwing oras na para kumain. Iniiwasan niya rin ang magsalita tungkol sa issue naming dalawa.

"Do you want something to eat? Hindi ba kulang ang kinain mo kanina?" he asked in between helping me with keeping my things inside the bag.

"Hmm." tumango ako.

"Ako na magdadala," siya nang mapansing sinubukan kong hawakan ang iilang prutas na ibinigay kanina ng mga ka-trabaho ko.

"Hindi na--"

"Let me."

I pursed my lips then nodded.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now