Chapter 2.08

260 13 1
                                    

Pain

Cain brought me to the condominium in silence. Tuluyan nang kinain na ng katahimikan matapos ang pag-uusap kanina. Halos hindi ko na makilala ang sarili dahil sa pag-iyak. Buti nalang at maaga pa, nasisiguro kong nasa Daycare Center pa si Lara kaya hindi ko kailangang ayusin ang sarili.

The wind was a bit harsh and sultry. It was incomparable from the fully air-conditioned Condominium.

"I'll fetch you later... around five in the afternoon."

Napalingon ako sa kaniya dahil sa gulat. "What?"

"I'll tell you everything you need to know." Ngumiti siya at marahan akong giniya palabas ng elevator.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Everything? May kailangan pa ba akong malaman? Sumikip ang dibdib ko hindi lang dahil natatakot ako... mas nangibabaw ang pangambang maaaring mapaniwala niya ako.

"I... I can't.." iling ko at mabilis na hinawi ang kamay niya sa aking baywang.

Isa pa ay kukunin ko pa si Lara mamaya sa Center. Hindi ko naman pwedeng iasa ang anak kay Nathan, kahit na ba pilit naman nitong siniguradong hindi ito nakakaabala sa kaniya dahil gusto niya naman ang ginagawa.

"Bakit? May gagawin ka ba mamaya? Gusto mo bang samahan kita?"

Mabilis akong umiling, umarangkada ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba. "Hindi!" Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Gusto... gusto kong magpahinga. Medyo masakit pa kasi ang ulo ko..." dahilan ko pa.

Tinitigan niya ako sa mata. Like he always did before, searching for lies and if he finds one... he'll either shake it off or pull it out of me. But right now, all I wanted was for him to buy it.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha bago tumango.

"I understand." saka ay nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang unit ko.

Napakagat-labi ako. Hindi alam kung bubuksan ba ang pinto o kakausapin pa ang malungkot na si Cain.

Damn it, you foolish woman! Hindi ka talaga nadadala, 'noh?

"Can't you tell it now?" tanong ko, nakahawak na sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa malungkot pa ring si Cain. Nanginginig ang kamay ko habang kinakapa ang card key.

"I can... I can spare some time," tumingin siya sa relo. "But I really have an important meeting soon." Kinagat niya ang kaniyang labi.

Napabuga ako ng hangin. Tuluyan nang pinakalma ang naghuhuramentadong puso. Tipid ako ngumiti.

"Alright. I'll get as much sleep as I can. You can fetch me later, but not five. It's too early. Maybe seven..." nataranta ako nang makita ang pagngisi niya. Bumilog ang mata ko at umiling. "Or maybe six thirty!"

Damn it. Kailangan kong patulugin muna si Lara bago ako kausapin.

Pero damn! Bakit parang defensive pakinggan ang boses ko!?

"Let's just talk later sa baba! Tama, sa baba nalang para mas malapit lang sa unit ko. Ayaw ko nang mag drive pa papauwi.." daldal ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko, pakiramdam ko mahuhuli niya ako sa tipo ng boses na mayroon ako.

Ngumiti siya. "Or maybe we can talk inside your unit---"

"No!" agap ko. Bumilog na ang mata.

"Or my place?"

Mas lalong nanlaki ang mata ko. "Nahihibang ka na talaga!"

"You like the idea better, hm?" marahan siyang tumango. "Siguro nga, kasi 'di ba, noon.. sa unit mo ako palaging naka standby. Mas maganda nga sigurong sa unit ko nalang tayo mag-usap."

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu