Chapter 2.19

266 13 12
                                    

I will

Kung paanong nakatagal ako ng isang minuto na walang pinapakitang pait ay hindi ko alam.

Ngunit sa tipo ng titig na iginagawad ni Cain sa'kin, parang nanliit ako sa sarili. He looked at me like I offended him or something. It was so sharp I can't even swallow the water that was offered to me.

"Thank you sa pag-imbita, Mara!" nakangiting saad ni Gelmaine.

Gusto ko mang kamuhian siya'y hindi ko magawa. She looked so sincere. It felt like what she said was true.

"Wala 'yon. Sa susunod ulit, ah." pilit akong ngumiti kahit na naramdaman ko ang tila panginginig ng aking pang-ibabang labi. I could even taste the bitterness of my own voice slicing my heart.

I bit my lower lip, hard enough to stop myself from quivering.

"Aalis na ako," paalam ni Gelmaine saka ay tumayo na.

Napatayo rin ako tulad niya sa gulat.

"Aalis ka na?" bumilog ang mata ko.

"Oo.. nakakahiya naman.."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit mas naiinis ako sa sarili ko ngayon. Kung noon, gustong-gusto ko siyang sabunutan ay hindi ko magawa. Ni hindi ko na magawang isipin pa.

Ang bait-bait niya. Sa paningin ko'y wala akong panama sa kaniya. Hindi ako kailanman maikukumpara sa isang katulad niya.

"Hindi!" winagayway ko pa ang kamay at mabilis na kinuha ang gamit ko. Sa pagmamadali'y nahulog ang lahat ng laman ng purse ko. Tumilapon ang iilan kong gamit kasama ang cellphone at lipstick.

Nakakahiya!

Akmang pupulutin ko iyon nang sabay sila ni Cain at Gelmaine na lumuhod para kuhanin iyon. Mariin akong napapikit habang dinarama ang tila punyal na tumusok sa'king dibdib.

Nang ibuka ko ang mga mata ko'y hawak na ni Cain ang aking purse, nasa loob na lahat ng mga gamit ko. Sabay silang tumayo matapos ang ilang segundong pagtitinginan.

"Bakit ka nagmamadali?" si Gelmaine na tila nagulat din sa nangyari.

"Kausapin ko muna siya, Gel.." si Cain na tumalikod para ilagay ang purse ko sa kaniyang office table.

"Ah, sige--"

"Hindi! Mauuna na ako, may gagawin pa kasi ako."

Napatingin ang dalawa sa'kin. Nang makita ang matalim na titig ni Cain ay iniwas ko iyon at tiningnan si Gelmaine. Napalunok ako't tila gustong umatras ng dila.

I feel so stupid looking at them right now. Baka kaya galit si Cain kasi naistorbo ko sila. Si Lucciana kasi!

Ngunit sa loob-loob ko'y nagpasalamat ako. Na kung hindi ko sila nadatnang dalawa ay aasa pa rin ako... Baka hindi ko pa pakawalan si Cain... Sa isiping iyon ay sumikip ang dibdib ko.

"I'll leave you two." marahan ang naging galaw ni Gelmaine sa pagkuha ng mga gamit. Hindi tulad ko na mukhang tanga at nagawa pang ipahiya ang sarili sa kanilang harapan.

Walang nagsalita hanggang sa tuluyan nang nakalabas si Gelmaine. Tinalikuran ako ni Cain at pinatong ang dalawang palad sa kaniyang lamesa. Tanging likod nito ang aking nakikita at paggalaw ng kaniyang balikat na tila malalalim ang kaniyang bawat paghinga.

"Hindi ko alam na may bisita ka pala.." nakagat ko ang labi ko nang hindi siya lumingon. Ngunit mula sa'king kinatatayuan ay nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"Sorry-"

Napasinghap ako nang hampasin niya ang mesa. Nilingon niya ako. Agad na nanginig ang binti ko sa takot habang nakatingin sa nag-aapoy niyang mga mata.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now