Chapter 8

256 17 3
                                    

Secured

Nanginginig ang kamay na inabot ni Mara sa akin ang isang paper bag. Nag-iwas pa siya ng tingin at sandaling inikot ang mata. Napatawa nalang ako. Clearly, she has yet forgiven me.

"What's this?"

"Buksan mo nalang kasi. Ang dami pang tanong."

Napaawang ang bibig ko at nilagay ang paper bag sa hood ng kotse. This woman!

"What are you looking at?" Taas ang kilay na tanong niya. She even crossed her arms.

Gustong-gusto kong nakikita siyang naaasar pero hindi ko naman sinasadya iyong kanina. Hindi ko rin naman kasi akalain na makakalimutan ko iyong Christmas Party. Isa pa, ni hindi nga niya sinagot ang unang tawag ko. Kasama raw niya ang ama, dahilan pa niya.

"I'm still bothered. Ni hindi mo pa ako pinapatawad. You heard my explanation already."

Isang tingin niya lang ay napaatras ulit ang dila ko. She doesn't expect me to shut my mouth especially now that we are some sort of in a relationship. Like, in between the lines.

"Hindi kasi ikaw iyong napahiya."

Napamura ako at tiningnan siya. Naghihintay ng idudugtong sa sasabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig niya habang malayo ang tanaw sa malalakas na alon ng dagat.

"Mara.."

"Sinabihan na nga akong loner, hindi pa nakuntento. At talagang pinamukha pa sa'kin ang prescription letter ng Dad ko! God,those annoying bitches are seriously getting into my nerves."

"And you just remained silent?" I asked in which she ignored.

I stared at her. Only now did I realize how beautiful she gets when being transformed. Mas lalong gumanda dahil sa ayos ng kaniyang mukha at naka ponytail na buhok. Her eye lashes were more defined, her nose pointed, and her lips. Those lips I've tasted once and now, I've been craving it.

Napangiti ako lalo dahil sa tuwing tinititigan ko ang suot na red dress na pinili ko para sa kaniya ay mas lalong nakakahumaling. Napapikit ako. Maybe I should buy her more dress? Iyong modest naman, kasi ayaw kong maraming tumitingin sa kaniya. Minsan naiiisip ko kung manhid ba siya. Kasi hindi niya talaga napapansin na pinagpapantasyahan na siya ng mga kaklase naming lalaki. Kaya ayaw kong makipag-kaibigan sa kahit na sinong lalaki kasi mapapa-away lang naman ako. Pero siya, parang kahit sinong lumapit, eh hindi niya talaga pinapapasok sa buhay niya. Kahit ako, minsan kailangan ko pang pilitin na sabihin sa akin kung ano iyong totoong nangyayari sa buhay niya. Tungkol sa pamilya, sa pag-aaral at kahit sa pakikipag-kaibigan.

"They're just insecure, Limpoco."

"Alam ko," masungit niyang saad nang hindi ako binabalingan.

"Alam mo naman pala. Don't let them get in to you just because they kept on blabbering non-sensical things."

"Just like how your sister Lucciana pushed all the buttons?"

"Iba naman iyon,"

She rolled her eyes and whispered a 'duh'. Naoatawa nalang ako.

"Sayang ang ganda mo kung magpapa-apekto ka sa mga 'yon."

Nangunot ang noo niya. This time, she looked at me. Finally gazing away from the wild sea waves.

"Why do you keep on complimenting me these days?"

Napataas naman ang kilay ko. I tried to recall the times when I told her she's beautiful but only once did I have the courage to utter it in front of her. Noon, iniisip ko nalang na alam niya na siguro na maganda siya. Nang sabihin kong maganda, it was the exceptional beauty of a Pinay. Though she's half-blooded, umaapaw pa rin ang gandang Pilipina niya. Iyong tipong hindi ka agad magsasawa. Well, for ten long years and counting, parang hindi nga ako nagsasawa. At mukhang hindi talaga magsasawa. Especially now that I've confessed my feelings toward her.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon