Chapter 2.20

364 14 30
                                    

Love

The greatest thing on earth that can be felt is love. Ngunit kaakibat ng pagmamahal ang mga tinik na maaaring bahagi ng pag-usbong nito. Ang mga tinik na mapanakit at maaaring magdulot ng isang pakiramdam na hindi lingid sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw: iyon ay ang galit.

No matter how much we contain anger, it can be felt. It can hurt. It has the power to rule us. That is why too much love is not can kill.

Ngunit ang pagmamahal na sumibol sa akin noong bata pa lamang ang siyang dahilan kung nasaan ako ngayon. And if I were given the chance to have it the other way around, I won't hesitate to turn it down. Dahil dinala ako nito kay Cain... at tulad niya'y sa kaniya lang din ako babagsak. Sa kaniya lang talaga.

Ngunit hanga ako sa tatag ng babaeng nasa harap ko ngayon. She was not fazed by anger. Pakiramdam ko'y ang tanging namumuno sa kaniyang puso ay pagmamahal na hindi ko inakalang magkakaroon ang isang tao.

"It would've been easier to hate you in the past if you were a bitch!" tumawa siya. Isang halakhak na hindi ko kailanman inisip na magiging bahagi ako noon.

"Ni hindi ko alam kung bakit mas galit ako sa sarili gayong dapat ay sa'yo ako nagagalit. Nagselos ako, oo. Siguro nga ay tama ka... kung maldita ka siguro, baka nasugod ka na sa hospital." tumawa na rin ako.

We had our share of laughter in those little moments that we've met. Kahit na ilang araw lang iyon matapos ng engagement ng kuya ni Cain na si Dante at ang kasintahan nitong si Catalina.

"And being your friend... it's beyond my imagination! Kahit na ba gusto kitang maging kaibigan, syempre, gusto ko noon si Cain kaya natural lang na kilalanin kita bilang karibal!"

And I couldn't believe how open she was. Kung ano 'yong nararamdaman niya'y talagang sinasabi niya iyon. Without reservations.

Siguro'y isa ito sa mga dahilan kung bakit nanatili siyang kaibigan ni Cain sa mahabang panahon.

"Loving him must've been hard." saad ko, nalulungkot sa bata niyang puso.

"It is. Pero alam ko naman, noon pa man ay hindi na talaga kita mapapalitan sa puso niya." sumimsim siya sa kaniyang hot latte na inorder.

"Bakit ka nanatiling kaibigan niya kung gusto mo talaga siya?"

Nagkibit siya ng balikat. She even pouted, like she's thinking very hard what could be the reasons.

"Matinik siya sa babae pero wala siyang ibang makita kung hindi ikaw. I like his loyalty." nagkibit muli siya ng balikat.

Agad akong pinamulahan sa kaniyang sinabi at sumipsip nalang sa frappe.

"And I am really attracted to him! Imagine my attraction at a young age. Matalino siya't may kaya, syempre, sino'ng hindi maa-attract, hindi ba? Ikaw nga sa kaniya lang bumagsak!"

Napairap ako saka marahang nakitawa na rin sa kaniya. Pinapanood na kami ng mga taong nakakasalamuha namin sa daan patungo sa hospital.

"But I don't like him now. Ikaw lang yata ang lilingunin noon kahit pa may maghubad sa harap niya."

"Gel!" hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi.

"Totoo nga!"

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Nang marating na ng tuluyan ang hospital ay medyo napapahinto pa kami dahil sa mga pagbati ng iilang kakilala ko. Ang iba pa'y hindi ko matandaan ang mga pangalan, kung hindi lang dahil sa mga suot nilang nametag.

"Congratulations, Doc!" isang nurse na sinalubong kami.

"Thank you," ngumiti ako.

"Congrats, Doc! Hindi kami makapaniwalang mayroon pala kayong something ni Dr. Rodriguez!" isa pa na sumalubong sa'min.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Where stories live. Discover now