Chapter 2.01

389 12 2
                                    

Lara

Mara

Tagaktak ang pawis mula sa aking noo habang nagpe-perform ng chest compressions sa isang pasyente. Naiiyak na dahil sa pagkabigla nang makitang nag-flat ang linya sa kaniyang monitor stat.

"Nurse! Pakitawag si Doc Lorenzo!" sigaw ko nang hindi nililingon ang nasa likuran.

I know everybody else are being hysterical right now. I, myself, is feeling awful right now. Seeing one of my patients almost dying! At VIP pa talaga.

"Push an amp of epi!" narinig ko nalang ang biglang pagsigaw ni Doc Lorenzo sa aking likuran.

I've grown very close to this patient. Though it was unprofessional of me, I've seen her fight through and through.

"No, no, no!" bulong ko kahit na nahihirapan na sa paghinga habang ginagawa ang chest compression.

Napapikit ako ng mariin nang magdadalawang minuto na pero wala pa ring electrical activity. Nawawalan na ako ng pag-asa pero agad ding bumalik nang marinig ang tunog na nagmumula sa monitor stat.

My hands were trembling when I went down of the hospital bed. Napangiti na lamang habang nakatingin sa isang Nurse na patuloy na binibigyan ng hangin ang pasyente gamit ang ambu bag.

"Monitor the patient every forty minutes. Nurse Jane, aasahan ko ang report mo mamaya," utos ni Doc Lorenzo. Nang balingan ako ay nakangiti na siya.

"You saved her. Akala ko'y paalis ka na, buti nalang at hindi pa," saad pa niya at hinila ako palabas ng private room.

Ngumiti ako pabalik. Pinahid ang pawis mula sa noo. Paalis naman na dapat ako pero nang huli kong tingnan ang pasyente ay nagulat ako nang bigla nalang mag flat line. I suddenly went from a normal citizen to a doctor-zone when I saw it happened.

"This is my last day in here but that doesn't mean I'm going to leave my patient dead!"

"That's my patient, Dr. Limpco."

"Well, that's my patient too!" tawa ko na lamang. Magka-edad lang kami ni Doc Lorenzo pero mas mukha siyang bata kumpara sa akin.

Ang unfair lang kasi hindi siya mukhang stress! Alam ko residente palang kami pero parang nalo-losyang na ako.

"Whatever,"

"Inom tayo mamaya. Sa makalawa na ang alis mo tungo sa Cebu, hindi ba?"

"Yup. Pero, hindi ako iinom, noh! I hate getting drunk and waking up with world wrecking headache."

"Magsaya ka naman kung minsan, Asuncion!" tawa niya at inakbayan pa ako. Sinamaan ko nalang ng tingin at umiling.

"I enjoy my life the way I want it, Doc Lorenzo. Hindi ko kailangang uminom para mag-enjoy."

"Kaya mailap sa'yo ang kapwa mo residente kasi hindi ka marunong makisabay! Buti nalang at kaibigan kita," siya na biglang ginulo ang buhok ko.

"Not again, Lorenzo!" saway ko at inayos ang buhok.

Ngumisi siya. "Tapos na ang shift mo. You don't need to look pretty and all."

"God, at least make me look presentable! Hindi ko pa naaabot ang locker ko!"

Tumawa siya. Pero agad ding huminto nang muli siyang magsalita, nahimigan ko ang pag-aalangan sa boses.

"Pero may sasabihin ako sa'yo.."

"Ano?"

"Nag file rin yata ng request iyong si Jonathan. Nagpapa-assign din yata sa Cebu," siya dahilan para umawang ang bibig ko.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum