Chapter 14

217 10 0
                                    

Stop Me

Nakakahiya!

Iyon lang ang nasa isip ko buong byahe papunta sa condo namin. Iyong bike namin nakasampa sa likod ng Range Rover na sinasakyan namin.

Napatingin pa ako sa rearview mirror dahil ramdam ko ang titig ni Shan mula sa front seat. Agad naman siyang umiwas ng tingin nang makitang nakatingin din ako sa kaniya.

"Sorry talaga sa abala," saad ko sa kaniya at sa kaniyang sundo. Stefan yata ang pangalan. Naka-uniporme pa ng police officer.

"It's okay," si Shan sa mahinang boses. Saglit na nilingon nung Police Officer ang katabi bago binaling muli sa daan ang tingin.

Shan is one of the best students in my class. Tahimik pero maraming kaibigan. Parang girl version ni Jonathan.

"Salamat talaga sa'yo, Shan." nakangiti kong saad.

"No problem, buti nalang talaga at kinuha ako ni Stef."

Tumango ako saka tiningnan iyong si Stefan na lumabas pa para tulungan akong ayusin ang bike. Nang matapos ay tumayo sa gilid ni Shan.

"Thank you rin sa iyo.. uh, Officer."

Tumango lang siya saka tiningnan ang pangku-pangko kong si Cain. Damn, this man can be very heavy.

"Do you need help?"

"No, no.. masyado na namin kayong naabala."

Kasi ang totoo, hiyang-hiya na rin talaga ako kay Cain. He's been murmuring something with closed eyes tapos biglang babanggitin ang pangalan ko.

"It's okay--"

"No, it's really okay, Shan.. Officer. Kaya ko na." agap ko nang hindi sila tumigil. Tumango naman ang dalawa kahit na mukhang nag-aalinlangan.

"You can just call me Stefan," iyong Officer bago kinamot ang ulo. He smiled, his serious look now gone.

"Oo nga.." Shan said. "He's my boyfriend nga pala."

Napaawang naman ang bibig ko at tumango. Nagulat sa nalaman dahil hindi ko akalain na may boyfriend si Shan. At isang Police Officer pa! Mukha ngang mas matanda pa ito kumpara sa'min.

Magsasalita pa sana ngunit nagulat dahil sa biglang paggalaw ni Cain. He tried to stand up like he's sober but failed to do so when eventually, he stumbled.

Sa perwisyo ay agad na akong nagpaalam dahil baka magulat na naman ako-- kami sa susunod na pwede niyang gawin.

We were able to make it to his condo unit. Agad ko siyang hinubaran ng pang-itaas at iyong white pants para mapahiran ng maligamgam na tubig ngunit sa gitna noon ay bigla siyang tumayo at tumakbo sa CR.

"Fucking hell.." mura niya nang matapos sa pagsusuka. Nakapikit ang mata nang humiga sa malamig na mwebles ng kaniyang banyo.

"Cain!"

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang pagpapahid sa kaniya gayong sinusubukan pa niya akong hilahin upang ihiga sa kama niya. He even tried to kiss me but failed miserably. I would just forcefully push him away then all of the sudden, he laughs.

Sobrang sakit ng ulo ko kinaumagahan. Hindi ako natulog sa unit niya kasi maya-mayang nagigising tapos tatawa. God, he's hopeless. Awang-awa ako sa kaniya kaya pinangako kong hindi na talaga siya makakahawak pa ng inumin -- kahit kailan.

"I thought I'm going to see you when I wake up," saad niya habang hawak ang magkabilang sentido.

I shrugged then went to grab him some coffee. Nainom na niya ang advil na hinanda ko pero parang may hang-over pa rin siya.

Thorns In The Flesh (WHIPPED SERIES #2) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon